Isko, tuluy-tuloy na ang pagso-showbiz
It seems tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz ni former Manila Mayor Isko Moreno, matapos siyang pumirma ng long-term exclusive contract sa Sparkle GMA talent arm.
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras sinabi ni Yorme na malaking bahagi ng buhay niya ay sa Kapuso Network at kay German Moreno, ang kanyang showbiz mentor.
Ipinarating naman ni GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon at Senior Vice- President Atty. Annette Gozon-Valdes ang kanilang special message kay Yorme: “Alam ng lahat na si Isko ay naging successful sa kaniyang showbiz at public service careers, Yorme Isko is still young and we don’t know where his destiny will bring him. Kaya Isko, whatever the future might bring, we wish you all the best and God speed.”
Nagpasalamat din si Yorme sa mga sumusuporta sa kanila at sa mga co-host sa Eat Bulaga, nang tumaas ang rating nila sa noontime show.
Rayver, pinakamagandang blessing ang turing kay Julie Anne
Happy ang fans ng lovely couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz nang mag-post si Julie sa kanyang social media account ng heartwarming message para sa birthday ni Rayver: “You are simply amazing in the greatest ways I can ever imagine and I’m so proud of you.
“The love and friendship we share, your willingness to walk through life with me, and the joy you bring to many are only few of the things I consider blessings, because you are a beaming ray of light that makes everything a whole lot better.”
Dagdag pa ni Julie, si Rayver daw ang “Man who makes my heart the happiest.”
Sagot naman ni Rayver: “Ikaw lang ang pinakamagandang blessing na natanggap ko sa buhay ko. I love you so much, my love, thank you.”
Sa July 26, opening day na on cinemas ng first movie team-up nina Julie at Rayver, ang The Cheating Game, ng GMA Public Affairs Pictures.
Busy naman si Julie as one of the coaches ng The Voice Generation while si Rayver ay nagsimula nang mag-taping ng isang new GMA Afternoon prime drama series.
Cristine, Marco at Cesar, apektado ng SONA
Dapat ay bukas na, July 24, ang pilot telecast ng Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan sa TV5 na nagtatampok sa real-life couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao with Cesar Montano, pero magbibigay-daan muna ang network sa Second SONA ni President Ferdinand R. Marcos, kaya sa Tuesday, July 25, na ang pilot telecast nila ng classic drama na unang ginampanan nina Vilma Santos, Christopher de Leon at Eddie Garcia, 4:40 p.m. sa TV5 at 8 p.m. sa SARI SARI Channel. Available rin ito sa Cignal TV, SatLite Ch. 3, at Cignal Play.
- Latest