Kinasuhan na pala si Awra Briguela sa nangyaring kaguluhan sa The Bolt Hole Bar sa Poblacion, Makati City.
May nakita kaming post ng demanda na nakalagay “Metropolitan Trial Court” ng Makati City. Nakasulat din ang “People of the Philippines versus McNeal Briguela Y Anilov Aka Awra Briguela, Accused.”
Sa bandang right side ng Summons ba ‘yun, nakasulat ang “Crim. Case No: M-MKT For Slight Physical Injuries.”
Hanggang doon lang ang nakita naming nakasulat sa summons at hindi kaya ang bouncer ng bar ang nagdemanda dahil sa interview sa kanya after ng gulo, ikinuwento na nakalmot siya ni Awra.
O, baka naman mga pulis ng Makati na pumunta sa bar para payapain ang mga nag-aaway pero makikita sa footage ng video na pati sila nilabanan din ni Awra at naging dahilan para posasan siya at isakay sa police van.
May mga nag-suggest na dapat pati ang gumawa ng story na hinipuan siya ay idemanda rin at iba pang kaibigan nito para matuto at hindi na ulitin ang mga maling ginawa.
Sabrina M., apat ang abogado
Hala, palaban na si Sabrina M. at batay ito sa latest post niya kasama ang apat niyang lawyers. Pati caption ni Sabrina sa kanyang post, palaban na rin.
Sabi kasi nito, “Tapos naba kayo? Kami naman! Sumawsaw ka para kasama ka. 3 araw ba ultimatum... 3 iniharap ko na abogado. Ngayon 4 na sila, baka 4 na kaso or 4 ang may kaso?”
Ano ‘yun, magdedemanda ba si Sabrina at sino naman ang kanyang mga idedemanda? Kasama kaya nito ang dating kaibigan na si Katrina Paula na pumabor kay Claudine Barretto?
Kaya lang, walang balita kung itutuloy ni Atty. Ferdie Topacio ang sinabing pagdedemanda niya kay Sabrina dahil sa inaming nagkaroon sila ng secret relationship ni Rico Yan.
Serye nina Jasmine at Rayver, magiging ‘kabitan’
Pinalitan pala ang title ng Afternoon Prime ng GMA 7 na pagtatambalan nina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz dahil sa halip na Can’t Let Go na title noong storycon, Asawa Ng Asawa Ko na ang title nito.
Mas may impact ang bagong title kesa English at original title, kaya lang, ang initial reaction ng netizens, baka kabitan na naman ang tema nito, agawan ng asawa at may sampalan at sabunutan ang bida at kontrabida.
Hindi pa natin alam ang istorya ng Asawa ng Asawa Ko, pero parang may halong action.
Si Laurice Guillen ang director nito at sabi nga ni Jasmine, inihahanda na niya ang sarili sa heavy drama scenes.