^

Pang Movies

Vic at Jose, inaabangan sa GMA Gala!  

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Vic at Jose, inaabangan sa GMA Gala!           
Vic

Marami nang excited na netizens sa highly anticipated na GMA Gala 2023, bukas, July 22, hinihintay na nila ang mga isusuot na naggagandahang outfits ng Kapuso stars, lalo na ang Kapuso couples, na tiyak na magpapakilig sa pagrampa nila sa red carpet.

Siguradong mami-miss ng kanilang fans ang magka-love­team na Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega dahil umalis na sila last Wednesday, July 19, para mag-attend ng San Diego Comic-Con (SDCC) 2023, ang biggest annual comics convention sa California, USA na gaganapin from July 20 to 23. Kasama nilang umalis si Gabby Eigenmann (as Commander Robinson) at heads for GMA Drama and director Mark Reyes.

Marami ring nagtatanong kung a-attend sina Vic Sotto at Jose Manalo na may shows sa GMA, at ang hosts ng It’s Showtime, dahil nakikita na silang isa-isang naggi-guest sa GMA 7, particularly sa Fast Talk with Boy Abunda. Nauna nang nag-guest si Anne Curtis, then nag-guest na rin si Amy Perez. Ilang Kapuso stars na rin ang nag-guest naman sa It’s Showtime  noong opening day nila last July 1, at nag-promote naman si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose ng upcoming movie niyang The Cheating Game na showing na in cinemas on July 26.

Wish naman ni It’s Showtime host Vhong Navarro na mag-guest sa kanila si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, na hinahangaan niya dahil daw napakabait nito. Nagpasalamat din si Vhong sa Kapuso network dahil binigyan sila ng bagong tahanan, at sa mga Kapuso na tinanggap sila nang buong-buo. Natanong si Vhong kung willing ba siyang gumawa ng project sa GMA, buong puso raw niya itong tatanggapin kung sakaling may offer.

Sef, nagdududa na sa sarili

Marami palang nagtaka kung bakit nawala sa top-rating comedy show na Bubble Gang ang comedian-actor na si Sef Cadayona. Inamin naman ni Sef na pumasok sa isip niya nitong nagdaang mga buwan na mag-quit na siya sa showbiz, kaya raw hindi na siya sumama sa new timeslot ng comedy show. “Actually hindi naman ako nawala, nandito pa rin ako. But for me, I think it was my time to graduate and to look into a different side ng buhay ko,” paliwanag ni Sef sa talk show ni Boy. “Going back months before, ayoko nang mag-showbiz, ‘di ko alam kung sa damdamin lang, parang hindi ko na nakikita na nagsa-shine ulit ‘yung talent ko.”

Tanong naman ni Boy, hindi na ba siya happy anymore or mas magiging effective na siya somewhere? “In a sense, yes, na hindi na showbiz, parang nagdududa na ako sa sarili ko, kung nagagampanan ko pa ba ‘yung role ko? Pero sa kabila po ng lahat nagpapasalamat ako sa mga GMA bosses, nakita ko po iyong pagmamahal nila sa akin.”

Inamin din niya na ita-try naman niya ang pagganap sa isang drama series.

Ginagawa niya ngayon ang bagong Kapuso series na Love Before Sunrise na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with