KC, mas madalas ang bonding kay Gabby   

Nag-post si KC Concepcion sa kanyang social media ng bonding moments niya kasama ang amang si Gabby Concepcion at little sisters niyang sina Samantha at Savannah, mga anak ni Gabby sa wife nitong si Genevieve Yatco Gonzales. Nag-celebrate sila ng birthday ni Savannah sa isang restaurant sa Tagaytay City.

Nag-comment ang netizens na humanga sa pagiging mabuting ate ni KC.

Matatandaan na kailan lamang ay nag-bonding naman sina Gabby at KC noong Father’s Day at napaiyak pa si KC nang pagkuwentuhan nilang mag-ama ang muli nilang pag-uusap makalipas ang halos dalawang dekada, na hindi niya narinig ang boses ni Gabby.

Meanwhile, nagsimula na ring mag-taping si Gabby ng teleserye nila ni Marian Rivera.

Paolo, hinahanap na sa Bulaga

Maraming nagtatanong kung bakit ilang araw nang hindi napapanood si Paolo Contis na nagho-host ng Eat Bulaga ng TAPE, Inc. Nasagot ito nang mag-post ang Sparkle Artist Center ng photo ni Paolo posing for photos with Jimmy Santos, na dating Dabarkads ng Eat Bulaga. “Paolo Contis is with his co-star Jimmy Santos in Tasmania, Australia. Catch them on a Mavx movie real soon,” the caption read. 

Ayon na rin sa Instagram page ni Paolo, nagsu-shooting pala sila sa Australia. Bukod kay Jimmy Santos, kasama rin sa shooting sina Kaye Abad at Patrick Garcia, at parang may Tabing-Ilog reunion, dahil magkakasama sila noon sa Tabing-Ilog serye ng ABS-CBN.

Wala nang ibang details tungkol sa shooting ng movie sa Australia, maliban sa IG post ni Patrick at Paolo na nakatapos na sila ng day 8 of shooting. Ang movie ay produced ng Mavx Productions, the same film studio behind Unravel na pinagtambalan nina Kylie Padilla at Gerald Anderson noon at napanood noong Summer Metro Manila Film Festival last April 2023.

Sila rin ang nag-produce ng Doll House ni Baron Geisler.

Show comments