Enrique at Sherwin may sinayang na oras sa career!
Kung noong una ay may paduda pa rin si Enrigue Gil na maayos pa rin naman ang usapan nila ng girlfriend at ka-love team na si Liza Sioberano, ngayon mukhang hinaharap na niya ang katotohanan.
Ang huli niyang statement ay ok lang naman daw sa kanya kung wala na ang love team, sinabi pa niyang bago naman sila nagkaroon ng love team ay may pangalan na rin siya at tinatawag pa noong “King of the Gil” dahil sa kanyang mga concert. totoo naman iyon, noong una ay nakisakay lang ang wala pang name na si Liza Soberano sa popularidad ni Enrique.
Noong mabuo na ang love team, napansin na si Liza at ewan nga ba kung bakit sinasabi nang iyon ang nagdadala ng kanilang love team. Ang pagkakamali lang ni Enrique, sobra niyang sinugalan ang kanilang love team at noong hindi makapagtrabaho si Liza dahil sa aksidente sa taping nila ng Bagani kung saan nabali ang buto ng daliri niya, pati si Enrique hindi nagtrabaho at sinamahan siya hanggang sa kanyang pagpapagamot sa US.
Ngayon mukhang iba na nga ang takbo ng hangin kay Enrique, in fact tumanggap siya ng isang off beat role bilang isang male bold star Hindi naman daw siya ang talagang bold star kung di look alike lang, pero in the end siya na rin iyon. Malaking pagbabago iyan sa image ni Enrique.
Isa pang nanghihinayang kami ay doon kay Sherwin Ordoñez, isa siyang dating dancer, kasama siya nina Dingdong Dantes sa Abztract na sikat na sikat noon. Isa si Sherwin sa pinaka maraming fans dahil pogi naman siya talaga. kung nabigyan lang iyan ng build up bilang isang matinee idol, puwede niyang pantayan si Dingdong noon. Kaso hindi nga siya nabigyan nang tamang break hanggang sa lumamig na ang popularidad ng mga dance group. Nagulat din kami nang nakagawa siya ng mga pelikulang indie na ang tema ay kabaklaan. Bida siya pero hindi maganda ang role, at hindi rin naman iyon nai-promote nang tama, kaya ang resulta sa takilya, hindi rin maganda.
Simula noon tuluyan nang lumamig ang kanyang career. Nakapag-asawa siya at nagkaroon ng mga anak. Nagtayo siya ng isang watering hole sa Roxas boulevard at nag-on line selling din. Pero sayang dahil puwede naman siyang artista talaga.
Sana may makapansin ulit kay Sherwin at bigyan siya ng panibagong break.
- Latest