Malakas ang magiging labanan sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF).
Malalaking pelikula ang maglalaban-laban.
Sa annoucement ng four official entries para sa 49th edition ay pasok na ang pelikula nina Sharon Cuneta and Alden Richards na A Mother and Son’s Story (drama) ng CineKo Productions, Inc., directed by Nuel Naval.
Ganundin ang (K)Ampon ng Quantum Films starring Beauty Gonzales and Derek Ramsay to be directed by King Palisoc. Isa itong horror film.
Napili rin ang Penduko ng Sari Sari Network. Bida sa pelikulang ito sina Cristine Reyes and Matteo Guidicelli. Isa naman itong fantasy action na isinulat at idididrek ni Jason Paul Laxamana.
At sigurado na rin sa four official entries ang Rewind starring Dingdong Dantes and Marian Rivera ng ABS-CBN Productions na co-producer ang Dos Agostos Media ni Dingdong. Si Mae Cruz-Alviar ang director ng movie.
Hindi pa nakasama ang pelikula nina Nora Aunor / Alfred Vargas, Vilma Santos / Christopher de Leon and Piolo Pascual.
Napili ang four official entries base sa isinumite nilang script.
May additional four entries pa na pipiliin - finished films. At ang deadline for the finished films is on September 29.
Ang beteranong movie producer na si Jesse Ejercito ang nanguna sa members of the MMFF Selection Committee.
Dingdong, aligaga sa tatlong shows at pelikula
Pinaka-busy si Dingdong Dantes sa mga bidang artista na pumasok ang pelikula sa MMFF for this year na may tatlong regular shows sa GMA 7.
Ang teleseryeng Royal Blood, ang eereng The Voice Generations at ang Amazing Earth.
Paano niya gagawin lahat ‘yun ngayong mag-uumpisa na silang mag-shooting ng pelikulang Rewind?
“Kaya pa naman. Kaya pa naman,” sabi ni Dingdong sa isang interview namin.
Paano mo idi-divide ‘yung oras para sa mga bata ‘pag may school?
“Buti ngayon medyo nakabakasyon pa rin sila eh. So hanggang August so pwede pa naman. Ngayon, ‘yung peak talaga na overlap... ano lang sa shooting, sa taping pero siguro matapos ng ilang buwan medyo magiging ano na ‘to, magiging maluwag luwag na,” dagdag na katwiran ng actor sa hectic na schedule na nag-break pa sa Family Feud.
Kelan kayo mag-start ng shooting ng Rewind?
“Third quarter pa, pero naghahanda na kami.”
Co-producer nga sila pero nung makausap namin si Dingdong ay hindi pag nagkakaroon ng annoucement na official entry na ang Rewing sa MMFF.