^

Pang Movies

Ate Vi, inaalok ng collab!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, inaalok ng collab!
Ate Vi, Luis at Rosie

Aminado ang radio personality at kaibigang si Morly Alinio na Vilmanan siya. Iyon kasing umabot sa panahong iyon ng Nora-Vilma rivalry, nagkaroon ng identification kung Noranian ka o Vilmanian.

At naniniwala siya na para maibalik ang sigla ng industriya ng pelikulang Pilipino, ibalik daw ang Nora-Vilma rivalry dahil aminin man natin o hindi, iyong kanilang rivalry ang siyang nagsimula ng pag-angat ng industriya, ang lakas ng mga pelikula noon, sina Nora at Vilma lamang ang nakakalaban sa mga bomba films at sa foreign films.

Ganyan din ng sitwasyon ngayon, kumikita ang foreign films dahil sulit naman ang ibinabayad mo, at nagkalat na naman ang pelikulang mahahalay sa internet, na siyang ginagawa ng mga producer dahil nagsara na ang mga sinehan noong pandemic, at nga­yon itinutuloy nila iyon dahil napakaliit ng puhunan at maski na papaano kumikita sila. Kung kukuha nga naman sila ng mga artistang may pangalan, sa talent fee pa lang ng isang artista nakagawa na sila ng isang indie na kahit na walang name ang artista, panonorin din naman dahil bomba nga.

Iba ang aming palagay, lumipas na ang panahong iyon at mahirap nang ibalik ang ganun.

Pero kung kami si Ate Vi, itutuloy namin ang kasalukuyang diskarte ng kanyang career. Bilang isang artista gusto rin niyang makatulong sa iba, o maiangat ang buong industriya, pero iyong idea na isasama pa siya sa mga project ng mga artistang limot na ng fans, hindi yata tamang isugal pa ang kanyang status bilang isang aktres na matagal din naman niyang iningatan.

Well, tama rin naman iyong tumulong ka sa kapwa mo, pero papayagan mo bang manaig na lang ang awa kung mas marami ka namang matutulungan sa ibang paraan.

At pinaka-the best, dapat solo na lang si Ate Vi.

Huwag na niyang patulan iyang mga iniaalok sa kanyang collab sa mga artistang malalamig na ang career.

Sharon pinatanda dahil kay Alden

Sa ngayon masasabi nga na ang leading man na may hawak ng record ng pinaka-malakas na pelikula ay si Alden Richards. Pero hindi tamang isipin na kahit na sino ang katambal ni Alden ay ganoon ang resulta. Nagawa niya ang sinasabing highest grossing film pero ang leading lady niya ay si Kathryn Bernardo. Bago iyon nakagawa na rin ng isa pang pelikulang ganoon din katindi sa takilya si Kathryn, na ang katambal naman niya ay ang syota niyang si Daniel Padilla.

Ibig sabihin ang talagang matindi si Kathryn, hindi si Alden.

Iyong lehitimo ring Eat Bulaga ang may hawak ng pinaka mataas na ratings sa telebisyon dahil sa AlDub. Pinaka-matindi ang audience nila na pumuno pa sa napakalaking Philippine Arena dahil iyon sa AlDub, si Alden din iyon pero ang kasama niya ay si Maine Mendoza.

Kaya malamang dehado si Sharon Cuneta sa tambalan nila ni Aslden, una sa pelikulang iyan ay nanay ni Alden si Sharon, ibig sabihin pinatatanda na ang image ni Sharon. Ano ang susunod na ipagagawa sa kanyang pelikula - ang role niya ay lola?

Abangan natin kung sino ang magdadala ng pelikulang ‘yan.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with