Boy hirap kalabanin si Annette!
Watching the ongoing mediacon ng Battle of the Judges, at the Studio 6 of GMA Network last Sunday, July 9, you can’t help na hindi madala sa excitement na ipinakita ng three prominent entertainment personalities na sina Boy Abunda, Ms. Annette Gozon-Valdes, and Bea Alonzo.
Wala si Jose Manalo, na nasa US, for a show. Kasama rin nila si Asia’s MultiMedia Star, Alden Richards as the host. Ayon kay Alden, ang Battle of the Judges ay unang mapapanood sa GMA Network and soon will be shown all over Asia. Siya rin daw ang magiging tulay ng mga contestant to the judges and the judges to the contestants.
Inamin ng mga judge na dumarating sila na magkabardagulan sa pagtatanggol nila sa kani- kanilang squad members at ang makiusap na iboto sila.
Biro ni Boy, mahirap daw opponent si Ms. Annette dahil siya ang may-ari (ng GMA). Mahirap din daw kalaban si Bea dahil iba ang karisma nito at mahusay mangampanya.
Pero ang pinakamahirap daw labanan ay si Jose dahil sa experience na nito sa pagiging artista at host, nagagawang magamit ang pagkakomedyante na makumbinse silang iboto ang squad members nito.
Dagdag pa ni Alden, nakakatuwang panoorin ang mga judge na magbigay ng kani-kanilang stand and point of views para sa kani-kanilang squad, kaya hindi raw niya pinuputol ang discussion bilang respeto sa kanila.
Nakabuo raw sila ng isang magandang family bonding sa show dahil kay director Rico Gutierrez.
Mapapanoo ang Battle of the Judges simula na sa Saturday, July 15, 7:15p.m. sa GMA-7.
Voltes V, pasok sa San Diego Comic Con
Naglabas na si Director Mark Reyes ng official announcement tungkol sa top-rating primetime series na Voltes V; Legacy: DOGU an Entertainment Publishing Powerhouse, Volts In with GMA Network for an exceptional 2023 San Diego Comic Con with the convention debut of Voltes V Legacy this July a first ever for an Asian series to have a panel at SDCC.
“Wala pa pong Asian production na nakatapak sa San Diego Comic-Con in South California, but Voltes V: Legacy, a Filipino (network produced series) was invited. Coming July 19, several of the members of voltes V will be representing the Philippines – not just GMA Network – at the San Diego Comic-Con.”
Aiko, may anak na mag-aabogasya
Buong pagmamalaking ibinalita ng actress-politician na si Aiko Melendez ang academic Achievement ng kanyang anak na si Marthena o Mimi, na natanggap sa law course sa Oxford, England. Ipinasilip ni Aiko ang completion ceremony ni Mimi sa Somerville College, a constituent college ng University of Oxford. Pagbati ni Aiko kay Mimi: “Congratulations on graduating! You are an achiever. You make me so proud of being your Mother! We are rooting for you, my dear Mimi.”
Ayon kay Aiko, sulit na sulit daw ang lahat ng paghihirap na ginawa niya sa trabaho.
- Latest