Janella, naghimutok sa pagkakalaglag sa Star Magic Catalogue!

Janella Salvador

Reaction nga kaya ni Janella Salvador ang tweet niyang “Ah k. Noted” sa hindi niya pagkakasama sa cover ng Star Magic 30 Catalogue wala siya sa catalogue. Nag-trending tuloy ang #Janella Deserves Better at ang #Janella Salvador dahil sa tweet na ‘yun ng aktres.

Ang daming reaction ng fans at supporters ni Janella at naniniwala silang deserve niyang makasama sa cover sa rami ng kanyang achievements.

May nag-comment pa nga isa siya sa may best filmography sa kanyang henerasyon sa ganda ng mga nagawa at ginagawang project.

Nagtampo rin yata sa Star Magic ang fans nito dahil ang suggestion nila ay lumipat sa Crown Artist Management nina Maja Salvador at Rambo Nuñez at tiyak daw na maaalagaan siya. Pero, nakakontrata pa siya kay Manny Valera at naaalagaan siya at ang kanyang career, walang rason para lumipat siya sa ibang manager o management.

Hindi pa uli nag-tweet si Janella at wala ring comment ang Star Magic sa himutok ng fans ng aktres.

Samantala, nasa Hong Kong pa yata si Janella para sa shooting ng Under Parallel Skies kung saan, katambal niya ang Thai actor na si Win Metawin. Ang nabanggit sa amin, hanggang July 25 sila roon at doon na tatapusin ang shooting.

Jasmine, nakaramdam ng ‘init’ kay Rayver!

Si Julie Anne San Jose ang nagbalita na may gagawing new teleserye ang boyfriend niyang si Rayver Cruz at noong isang araw nga, ginanap ang storycon ng Afternoon Prime ng GMA na Can’t Let Go. First time na magtatambal sina Rayver at Jasmine Curtis-Smith at dahil heavy drama ito, paghahandaan daw nang husto ng dalawa.

Nabanggit ni Jasmine kay Lhar Santiago na handa na siya sa tema ng series.

Magkakilala na sina Jasmine at Rayver at hindi na mahirap sa kanila ang maging magkaibigan habang ginagawa ang Can’t Let Go. Nabanggit ni Jasmine na nakikita niyang may “warmth” kay Rayver at ramdam niyang madali itong pakisamahan.

Pokwang, walang choice kundi mahalin ang kamukha ng ex

May message si Pokwang sa anak na si Malia na sinulat niya at caption sa pinost na photo collage ng anak. Sabi kasi ni Pokwang, “Kahit ka-fez mo ang pinaka-hate kong tao sa mundo, mamahalin kita ng todo at ibibigay ko ang buhay na masagana. Pangako ‘yan.”

Ang tinukoy ni Pokwang na pinaka-hate niyang tao sa mundo ay ang ex-partner niya at ama ni Malia na si Lee O ‘Brian. Kamukha nga ni Malia ang ama kaya hindi siya makakalimutan ni Pokwang.

Show comments