Willie, inokray-okray ang mga host ng EB!
Totoo kaya na nakipag-usap si Willie Revillame sa mga Jalosjos ng TAPE, Inc. at hiniling umano na hatiin ang timeslot ng Eat Bulaga at ibigay sa kanya ang isang oras para sa Wowowin?
Ito ang ibinalita ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi na aniya ay ayon sa kanyang source.
“Ang sabi ha, ito ay bibigyan natin ng chance si Willie kung ano ang masasabi niya rito. Na ang isina-suggest niya ay mag-one hour siya as Wowowin, mag-1½ hours ang Eat Bulaga,” ani Ogie.
Ang ibig sabihin daw, after ng Eat Bulaga ay magkakaroon si Willie ng Wowowin ng 1 hour.
Ayon pa sa source ni Ogie ay may sinabi pa umanong hindi maganda si Willie tungkol sa hosts ng EB.
“Sana, hindi ito totoo, ‘no? Itanong na rin natin kay Willie Revillame. Totoo ba, Willie Revillame na sinabi mo na walang kalatuy-latoy ang mga hosts ng Eat Bulaga? Parang walang kadating-dating?
“Totoo rin ba na isinadyest mo sa mga Jalosjos na ikaw na lang?” ang tanong ni Ogie.
“Kaya nakakalito ang kwento. Kay ate Cristy(Fermin), ang kwento niya, or ng source ni ate Cristy, tinanggihan ni Willie. Dito naman sa kabila, ang sabi, eh tinanggihan si Willie sa offer ni Willie na mag-combine ang Eat Bulaga at ang Wowowin. Kaya ano ba ang totoo?” sey ni Ogie.
“Mayroon pa akong nasagap na kasi raw, gusto ni Willie na maging bahagi ng history kung saan, tatlong noontime shows ang naglalaban-laban,” dagdag pa ng talent manager/vlogger.
Kaya sana raw ay malinaw ito ni Willie at pwede naman daw nitong i-deny ang tsikang ito or i-confirm.
Anyway, bukas naman ang aming kolum para sa pahayag ni Willie hinggil sa bagay na ito.
Alfred, gagawan ulit ng proyekto si Ate Guy!
Naging napakaganda raw ng experience ni Alfred Vargas sa paggawa ng pelikulang Pieta with the one and only Superstar, Nora Aunor. Wala raw naging problema at wala ring sakit ng ulo.
“Maganda at very pleasant ang experience ko bilang producer and actor kay Ate Guy. Superstar talaga siya. ‘Yung husay niya at talento, highest level talaga. And she’s very professional. Walang naging any aberya during the whole shoot,” kwento ni Alfred.
“I’m thinking na nga of doing another project with her next year kung pwede. Ganun ka-okay,” dagdag pa niya.
First time ng aktor/pulitiko na makatrabaho si ate Guy at talagang namangga raw siya sa husay ng ating Superstar. Ibinahagi nga niya ang isang eksena na talagang nadala raw siya sa galing ng aktres.
“Meron kaming eksena na kaming dalawa lang. Magkaharap. Tahimik lang pero napaka-meaningful at naramdaman ko ang lalim at soulful emotion. Dahil ito sa acting ni ate Guy. Nadala ako,” sey ng aktor.
Samantala, nagpapsalamat si Konsi Alfred sa kanyang Solid Friends fans club na buong-buo pa rin hanggang ngayon and in fact, nakatakda silang magdiwang ng ika-18 anibersaryo ngayong July.
Aniya, “ito ‘yung fans club ko ever since. My solid fans established it noong July 4, 2005, panahon ng Encantadia. They have supported me ever since kahit noong baguhan pa lang ako. They believed in me anuman ang panahon.”
At dahil nga sa tagal na ng fans club, nag-evolve na rin daw ito.
“From 20 members noong simula, ngayon 40K members na. Later on, nag-evolve na rin into a community volunteer organization na siya na tumutulong sa mga nangangailangan.
“May mga yearly projects kami like zumbayan, linis-barangay, youth concert, leadership trainings, medical missions, at marami pang iba,” sey pa ni Konsi.
At bilang pagdiriwang sa ika-18 anibersaryo ng Solid Friends ay mayroon daw silang gaganaping special celebaration sa SM Novaliches this July 16.
- Latest