Showtime, nahahati ang audience!
Lumabas na ang opisyal na survey ng AGB Nielsen, na hindi maaaring ikaila ng It’s Showtime at Eat Bulaga, dahil iyan din ang ginagamit ng GMA Network. Nananatiling on top sa noontime slot ang TVJ sa TV5 na nagrehisto ng official ratings na 8.4% na mas mataas kaysa sa karaniwan nilang 7% lang noon nandoon pa sila sa GMA 7.
Nakakatawang isipin na ang ratings ng Eat Bulaga ng TAPE Inc. ay mas mataas pa sa Showtime dahil nakakuha iyon ng 2.62% samantalang ang Showtime sa GTV ay mayroon lamang 2.39%. Pero madaling ipaliwanag iyan dahil nakakuha sila ng 1.2 % sa A2Z, at sa Kapamilya Channel ay mayroon ding kaunti pang nanood.
Mas marami pa ring nanonood sa kanila kaysa sa Eat Bulaga. Kaya lang multiple channels ang Showtime kaya nahahati ang audience, kaya ang sales nahahati rin.
At makakarating sila ng nationwide sa free TV kung hindi na sisipa ang Eat Bulaga at forever ang pangungulelat.
Sa lahat ng nangyayari, nananatiling tahimik ang dating producer ng Eat Bulaga na si Tony Tuviera.
Siya ang unang pinag-retire ng mga Jalosjos pero hindi niya maiwan ang kanyang boss, ang mga Jalosjos, after all hawak pa ng mga iyon ang kanyang 25% share sa Tape Inc.
Nananatili rin ang mga iyon na kliyente niya dahil umuupa iyon sa kanyang APT Studios at maging ng mga equipment din siguro.
In short may sigurado na siyang business sa mga Jalosjos.
Kung sumama siya sa TVJ, may sariling studios at equipment ang TV5, hindi rin naman siya maaaring sumosyo sa TV5, kaya parang tamang nanahimik na lang siya after all kahit na retired na siya at sinasabi ngang noong makuha siya ay driver lamang siya, kumikita siya sa rental at bilang production consultant nila ngayon.
Male starlet, nagagamit ang raket para magka-premium ang negosyo
Ipinagyayabang ng isang male starlet ang halos araw-araw niyang events sa kung saan-sang probinsiya, na ang bayad lang naman sa kanya malaki na ang tatlong libo babawasan pa ng komisyon ng manager niya.
At kung ganoon, papano nga ba niya nami-matintain ang lahat ng kanyang luho sa buhay, eh iyong mga ginawa naman niyang indie at gay serye hindi naman yata siya nabayaran?
Siyempre ang pagiging male starlet ay ginagamit naman niya “pampataas ng presyo sa kanyang personal na negosyo” at alam na ninyo kung ano iyon.
Istambay lang siya sa mga bar, nagwawalwal din at naghihintay ng kanyang clients doon, eh kung ang matiyempuhan kaya niya ay gaya ni Awra Briguela, ano gagawin niya?
Iyong talagang iiskandaluhin siya at ipabubugbog sa mga kasama basta hindi siya naghubad?
- Latest