‘Paolo, paboritong pitikin!’
Nagta-trabaho lang si Paolo Contis. At kundi niya tinanggap ang Eat Bulaga may iba ring artista na gagawa nito.
Kaya napaka-unfair na para bang si Paolo ang may kasalanan na nasa Eat Bulaga siya. Trabaho lang, walang personalan ito.
Kung siguro meron siyang ibang ginagawa na show at hindi niya puwedeng gawin ang Eat Bulaga, baka hindi siya host nito.
Ganun lang naman ang buhay ng artista, kung anong ibigay na trabaho sa kanya iyon ginagawa niya. Pero ako mismo natuwa na nakita ko na magaling pala sa hosting si Paolo. At dahil sa Eat Bulaga naipakita niya iyon.
Bilog ang mundo, maliit lang ang ginagalawan natin sa showbiz kaya siguro naman walang nasaktan si Paolo, wala naman inagawan ng trabaho, kaya nakapagtataka kung bakit merong masama ang loob sa kanya.
Ok lang sa akin basta constructive, pero parang personalan na ang pitik. Dahil kung bakit ang dami naman nila sa programa laging si Paolo ang napupuna. Ok lang dahil feeling ko hindi naman apektado si Paolo. Mataas ang paggalang niya sa Tito, Vic, and Joey. Alam niya na controversial ang programa na sinalihan niya.
Tanggap rin niya ang mga bashing na nangyayari. Ako nga ang naawa dahil parang hindi naman dapat ganun ang maging trato sa kanya.
Pero kahit ano pa ang sabihin nila, I still support Paolo sa mga gusto niyang gawin. Isa siyang mahusay na artista at mabuting tao.
May mga pagkakamali pero hindi sapat to make him a bad person. Stand tall Paolo Contis, abot kamay mo lang ang tagumpay, basta maging patience ka lang.
Hayaan mo na ang mga pitik, gawin mong sandata iyan sa lahat ng darating na pagsubok sa buhay mo. Bongga.
- Latest