^

Pang Movies

Smokey, napagsama-sama ang taga-Home Along sa binyag ng anak

SO CHISMIS ITOH! - Ruel Mendoza - Pang-masa
Smokey, napagsama-sama ang taga-Home Along sa binyag ng anak
Pamilya ni Smokey at Homealong... stars
STAR/ File

Natuwa ang dating fans ng ‘90s sitcom na Home Along Da Riles dahil sa naganap na mini-reunion ng ibang cast sa baptismal party ng baby boy ni Smokey Manaloto na si Kiko.

Pinost ni Smokey sa kanyang Instagram ang isang short video kunsaan magkakasama sina Vandolph Quizon, Boy2 Quizon, Ces Quesada and Ms. Nova Villa.

Sayang at wala ang ibang cast members na sina Claudine Barretto, Gio Alvarez, Dang Cruz at Maybelyn dela Cruz.

Marami tuloy na fans ang naka-miss kay Dolphy na gumanap na Kevin Cosme sa naturang sitcom. Pumanaw si Mang Dolpy noong July 12, 2012. Kaya next month ay 11th death anniversary ng nag-iisang King of Comedy ng Philippine Cinema.

Umere ang top-rating sitcom na Home Along Da Riles mula 1992 hanggang 2003 sa ABS-CBN 2.

Dating Miss Multinational, nakaranas ng Asian hate

May sariling experience ng Asian Hate ang Sparkle actress na si Sophia Senoron.

Nakaranas ng matinding racial discrimation ang former Miss Multinational 2017 noong nakatira at nag-aaral siya sa Amerika. Dahil sa naranasang pambu-bully, nahirapan daw makahanap ng mga kaibigan si Sophia.

“It was very hard for me to make friends kasi I was constantly being made fun of because of the way I speak, the way I talk. ‘Yung mga things na alam ko at hindi ko alam, dahil hindi ako lumaki rito, so things like that. So binu-bully ako. They will tell me na parang ang arte-arte ko, hindi naman ako ganun kaganda,” pag-alala pa ni Sophia.

Ang pagiging Asian ni Sophia ang isa ring dahilan kung bakit siya binu-bully noon.

“They would make fun of me because they don’t understand me. How I wish that this kind of hate would stop,” sey ni Sophia na napapanood sa Voltes V: Legacy.

Squid Game 2 stars, pinakilala

Pinakilala na ang actors na mapapanood sa second season ng Squid Game, ang phenomenal Korean survival drama na pinalabas sa Netflix noong 2021.

Unang in-announce ng Netflix na kasama sa second season sina Yim Si-wan, Kang Ha-neul, Park Sung-hoon and Yang Dong-geun. Magbabalik din sa series sina Lee Jung-jae, Wi Ha-joon, Lee Byung-hun and Gong Yoo.

Dagdag pa sa cast ang K-pop stars na sina Choi Seung-hyun (formerly T.O.P of the iconic group Big Bang) at Jo Yuri of the South Korean-Japanese girl group IZ*ONE. Join din sina Park Gyu-young, Lee Jin-wook, Kang Ae-sim, Lee David, Won Ji-an and Roh Jae-won.

Mga nagwagi ng acting awards sa first season ng Squid Games ay sina O Yeong-su (Golden Globe best supporting actor) at Lee Jung-jae (Screen Actors Guild, Independent Spirit and Primetime Emmy best actor).

SMOKEY MANALOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with