Nilagdaan ng TV5 at ABS-CBN ang limang taong content agreement na lalong nagpapatibay sa kanilang partnership na nangangakong maghahatid ng premier TV entertainment sa mga Filipino audience.
Ang deal ay nagbibigay-daan sa TV5 at ABS-CBN na magpatuloy sa pagbibigay ng mga top-rated na programa sa weekday, weekend, at Sunday primetime slots. Tulad ng FPJ’s Batang Quiapo, The Iron Heart, Dirty Linen, at The Tale of Nokdu.
Ang mga weekend at Sunday slot ay nakatakdang punan ng Everybody Sing at ASAP Natin ‘To, ayon sa pagkakabanggit.
Bukod pa sa content agreement na ito, ang TV5 at ABS-CBN ay nagtutulungan sa co-production deal para sa dalawang bagong afternoon soap – Pira Pirasong Paraiso at Nagbabagang Damdamin – na nakatakdang ilunsad sa Hulyo bilang bahagi ng reinforced Hapon Champion block ng TV5.
Ito ang una sa maraming proyekto bilang bahagi ng kanilang pangako na creative collaboration.
Kinahapunan naman ay ang nakipagpirmahan din ng kontrata ang ABS-CBN at GMA para sa co-production agreement sa programang It’s Showtime na mapapanood na GMA’s free-to-air channel, GTV, starting July 1 (Saturday).
Present sa pirmahan ng kontrata ang mga executive ng GMA at ABS-CBN.
Sinabi naman ni Atty. Felipe Gozon sa nasabing contract signing na “TV war is over.”
Makikita naman sa live streaming nito na mangiyak-ngiyak sina Anne Curtis and Kim Chiu na tiyak na mapapanood na rin sa mga programa ng GMA ngayon para i-promote ang Showtime.
Ito na nga yata ang sign na tututukan na lang ng ABS-CBN ang pagiging content creator kesa muling kumuha ng franchise.
Koleksyon ng baril ni Robin, kinaiinggitan
Aniya ay hindi siya nagtatago ng ginto pero nagtatago siya mga baril.
Pang-action movies ang mga nasabing baril, high powered.
Alam mong mamahalin at mga limited edition.
Naka-live streaming ang nasabing pagpapapakita ng mga collection ng senador / aktor ng kanyang mga paboritong baril.
Meron siyang tinatawag na asawa, girlfriend na baril at meron daw siyang sugar mommy sa mga ‘yun.
Asa gun store siya at dun daw magandang bumili dahil may license.
Pero may disclaimer naman siya na ‘wag siyang gayahin noon, Robin ngayon daw ang tularan at ang kapal ng permit to carry ng actor/senador na kanyang ipinakita.
In all fairness, kung mga bag ang collection ng misis niyang si Mariel, baril naman ang kanyang mister.
Flashback: nakulong noon ang dating aktor na ngayon ay senador dahil sa kasong illegal possession of firearms kaya naman idinidiin niya na importeng meron kang lisensya bago humawak ng baril.
At kahit nasa Paris si Mariel kasama ang family ng kanyang sister, tuloy naman ang pagbebenta nito ng mga luxury item sa kanyang Instagram page.
Almost a week ago nang mag-post si Mariel na first time in seven years na bibiyahe siyang hindi kasama ang mga anak.
Marian milyones ang OOTD sa Rewind…
Nag-look test na si Marian Rivera para sa kanyang comeback teleserye sa GMA 7 with Gabby Concepcion. Si Zig Dulay ang kanilang direktor.
Bukod sa teleserye, may movie rin sila ni Dingdong for Metro Manila Film Festival, Rewind.
Ang tagal na nung huling pelikula na pinagsamahan nila, hindi pa sila kasal.
Noong 2010 sila huling nagtambal sa You to Me Are Everything, under Regal Films.
Ang Rewind ay under the direction of Mae Cruz-Alviar.
Pero sa press event pa lang ng Rewind, pasabog na agad ang OOTD ni Marian. Millions na raw ang halaga.
Sa ring, watch, Hermes Shadow Birkin (hawak niyang bag) at heels na Saint Laurent. Gucci naman ang kanyang top.
“Feeling myself in this outfit, can’t help but love every inch of it?,” post ni Marian sa nasabing OOTD.
Ang linis nga namang tingnan nung millions na OOTD. Bagay na bagay sa kanya.