Masayang-masaya si Klea Pineda dahil this year ay nakapag-celebrate siya ng Pride Month.
Noong hindi pa raw siya nag-out bilang member ng LGBTQIA+ community, hindi raw siya maka-participate sa Pride March dahil may image pa siyang pinoprotektahan noon. Pero ngayon ay nag-out na siya, malayang-malaya na ang Kapuso actress na i-express ang kanyang pride.
Nag-celebrate siya ng Pride sa pamamagitan ng isang inspiring photo shoot kung saan suot niya ay black bodysuit and fishnet leggings at kita ang kanyang tattoos.
“It has been 3 months since I came out. Since then, the community has embraced me and showered me with nothing but love and support. By being honest and true to myself, I finally found MY people. These people help me in this journey as I gain more confidence, have better self-awareness, and be more comfortable in presenting my authentic self. For that, I cannot be more thankful. I see all your messages about how I inspire you for having the COURAGE to come out and show the world my true colors. I am beyond grateful to be an inspiration to some of you in my own little ways. To celebrate my first Pride Month since I came out, here’s my promise: In a world where we have to fight for our basic needs and rights, know that I am here for you, and I stand in solidarity with you! Happy Pride Month, loves!”
Naka-join na rin si Klea sa Pride March kasama ang girlfriend na si Katrice Kierulf. At nakasama siya sa Pride Ride with fellow Sparkle artist na si Gabbi Garcia na sumusuporta rin sa LGBTQIA+ community.
Bagong gaganap na Superman, pinakilala na
Ang aktor na si David Corenswet ang napili ng Warner Bros na maging bagong Superman sa gagawing Superman: Legacy film sa 2025 para sa DC Universe.
Bukod kay Corenswet, ang gaganap na Lois Lane ay ang Emmy Award winner na si Rachel Brosnahan na nakilala sa comedy series na The Marvelous Mrs. Maisel.
Nakilala ang 29-year-old na si Corenswet sa paglabas nito sa Netflix series na Hollywood noong 2020. Nasundan ito ng The Politician, Pearl, Look Both Ways and We Own The City.
Malaki rin ang pagkakahawig ni Corenswet kay Henry Cavill, ang pinalitan niyang Superman sa DC Universe.
Huling pagganap ni Cavill as Superman ay sa pelikulang Black Adam kunsaan lumabas siya sa post-credit scene. Una siyang naging Superman sa 2013 film na Man Of Steel.
Dahil sa new leadership sa Warner Bros, itinalaga ang director na si James Gunn at Peter Safran para mamahala sa lahat ng movies ng DC Universe. Isa sa una nilang ginawa ay ang pag-recast sa aktor na gaganap na Superman.