^

Pang Movies

Mahusay na aktor, hindi na kinaya ng handler ang ugali

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Sana, Salve A., ay tuluyan nang magbago ang actor na ito na muling nabigyan ng bagong wave ng kanyang karera.

Nakapanghihinayang kasi kung muli niyang palalagpasin ang bagong break na ipinagkatiwala sa kanya ng isang major company na muli siyang mabigyan ng sunud-sunod na trabaho.

Walang alinlangan na mahusay ang nasabing actor kung acting niya ang pag-uusapan. Ang kaso, hindi pa rin umano ito nagbago at madalas malagay sa kompromiso ang handler na nakatoka sa kanya.

Dahil dito, nagdesisyon ang kumpanyang muling nagbigay sa kanya ng break na ito’y bitawan at bahala na umano itong i-handle ang kanyang sarili on his own.

Ayon sa description ng aming kausap, “hindi pa rin talaga siya nagbago.”

Sayang naman dahil magaling ang actor na ito.

Rez, hanggang sa marijuana lang

Kokonti ang nakakaalam na ang veteran character actor na si Rez Cortez ay dating miyembro ng CCP Dance Company, University of the East Dance Group, UP Filipiniana Dance Company. Naging miyembro rin siya ng Amelia Apolinario Dance Group at ang Alegro Dancers.  Magkakabarkada sila noon ng yumaong actor na si Dick Israel at si Roi Vinzon na nagsimula naman bilang modelo bago ito nag-artista.

There were times na sumasama umano siya kay Dick sa mga shooting nito hanggang mabig­yan siya (Rez) ng role sa pelikulang Daigdig ng Sindak at Lagim nung 1974 na naging daan ng kanyang tuluy-tuloy na nag-aartista hanggang sa tuluyan siyang huminto sa kanyang pagiging dancer para mag-focus sa acting

Being young and adventurous, hindi ikinakaila ni Rez na hindi rin umano siya naligtas sa iba’t ibang bisyo noon tulad ng drugs.

Pero hindi umano siya umabot sa pagiging isang drug dependent. Hanggang sa marijuana lamang umano siya at hindi niya sinubukan ang shabu at iba pang expensive drugs.

 Pero ang lahat ng bisyo noon ni Rez ay kanyang tinalikuran nang maging active member siya ng Oasis of Love, isang religious community kung saan marami sa mga miyem­bro ay maging taga-industriya at kasama na rito ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Si Rez ay naging pangulo ng Actor’s Guild of the Philippines bago siya naging President-CEO ng MOWELFUND (Movie Welfare Foundation, Inc.) which was founded by former actor-producer dating mayor ng San Juan, Presidente ng Republika ng Pilipinas at two-term mayor ng Maynila na si Joseph ‘Erap’ Estrada nung 1974, the same year ng pagpasok ni Rez sa showbiz.

Sa kanilang apat na anak ng wife niyang si Candy na sina Xyrus, Zsharina, Carissa (Cai), at Xavier (na tapos lahat sa kanilang pag-aaral), tanging si Cai lamang ang pumasok sa showbiz.

REZ CORTEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with