Lifestyle ni Paolo, biglang nabago!
Binago ng bagong Eat Bulaga ang lifestyle ni Paolo Contis lalo na isa siya sa pader nito araw-araw.
Maaga na siyang natutulog at maaga na ring nagigising dahil kailangang maaga pa lang eh nasa APT Studio na siya. “Stressful din pero sumasaya ako lalo na kapag marami akong nakikitang taong masaya kapag nagsimula na kami,” pahayag ni Paolo sa mediacon ng movie nila ni Joross Gamboa mula sa Mavx.
Aminado si Paolo na marami siyang natatanggap na bashing at hate comments.
“Hindi ko naman bnabasa ang mga ‘yon. What matters most is ‘yung napapasaya naming tao. Eh ‘yung kapatid ko ang pumapatol.
“Ako naman, hindi ako perpektong tao at aminado ako sa pagkakamali ko. Kung hindi nila matanggap ‘yon, wala akong magagawa!
“Hindi naman siguro ako tatagal ng ilang dekada kung ayaw na akong kunin para magtrabaho. Basta enjoy lang kami sa show at kung anuman ang gusto nilang sabihin, bahala sila!” diin ni Paolo.
Sa totoo lang, brand new comedy ang handog nila ni Joross sa Ang Pangarap Kong Oskars na dinirek ni Jules Katanyag.
Pang ilang movie na niya ito under Mavx at may gagawin uli siyang bago na isu-shoot sa ibang bansa. Paano ang Bulaga niya?
“Alam naman nila ang schedule kong ‘yon. Baka mag-tape ako ng segments na ipalalabas habang nasa abroad ako. Tuloy ang saya sa Eat Bulaga!” bulalas pa ni Paolo na walang pakialam sa bashers.
- Latest