Vice, nangatwiran sa sama ng loob sa TVJ
Nilinaw ni Vice Ganda na wala siyang sama ng loob kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ). Pero aminado naman siyang nalungkot sila noong malamang baka hindi na makaere sa TV5 ang It’s Showtime.
“We don’t feel bad sa TVJ, wala kaming ano’ng ganon ha? Syempre, meron ka ding… napaka-ipokrita ‘pag sinabi mong hindi ka nalungkot,” aniya.
“Nung sinabi sa amin na nung una pa lang, baka hindi na tayo mag-ere sa TV5, siyempre nalungkot din kami kasi siyempre, hindi namin alam kung saan kami pupunta. So, ano nang mangyayari?
“So, naaawa ako du’n sa mga tao, sa staff namin, kasi sobra na silang naguguluhan,” patuloy ni Vice.
Pero ngayong may bago na silang tahanan which is GTV ng GMA 7, masaya na raw silang lahat at labis ang pasasalamat nila sa Kapuso network.
“Masaya kami na, ‘di ba, may nagsarang pinto, may bumukas ulit na isang pinto,” aniya.
Sey pa niya, naging emosyonal silang lahat nang unang ibalita sa kanila na may lilipatan na silang tahanan.
“Nung ibinalita sa amin, siyempre emosyonal kaming lahat kasi nasa kalagitnaan kami ng lungkot, ‘yung parang nawalan ka ng tirahan, tapos biglang may kukupkop na naman sa ‘yo. We feel so special and we are very grateful to GTV,” pahayag ni Vice.
Herlene, titigil na sa pagsali sa pageant
Sising-sisi si Herlene Budol sa kanyang naging sagot niya sa Q&A sa sashing ceremony and press presentation ng Miss Grand Philippines 2023 na ginanap last Tuesday, June 20.
Nag-trending agad si Herlene pagkatapos nito at inulan ng katakut-takot na batikos dahil sa pabakla niyang mga sagot at sabi nga ng iba ay ‘dinogshow’ raw.
Kaya naman kinabukasan ay nag-live streaming siya sa Facebook at sinabing maging siya ay nahiya rin sa kanyang ginawa.
“Nakakahiya talaga ‘yung ginawa ko, no?” sambit niya.
“Nakakahiya talaga. ‘Wag kayong mag-alala, sising-sisi na ho ako. Ilang oras ko nang iniisip,” sey pa niya.
Humingi siya ng dispensa kung na-dissapoint niya ang kanyang fans.
“Sorry ha, na-dissapoint ko kayo, sobrang sorry,” she said.
Aniya, ginagawa naman niya ang best niya at todo-todo ang kanyang training.
Sadyang ganito raw siya kasi talaga magsalita. Seryoso naman daw siya at hindi niya nilalaro ang kanyang pagsagot.
“Hindi ko dino-dogshow. Seryoso po akong lumalaban dito. As in pinagsasabay-sabay ko lahat para kayanin ko,” aniya.
Sa kalagitnaan ay napaiyak pa si Hipon Girl. She felt bad na naturingan daw siyang inspirasyon ng maraming tao pero na-dissapoint niya lang ang mga ito.
“Parang ‘asan ang inpirasyon do’n kung hindi ko naman pala kayang i-maintain ang nasimulan ko, ‘di ba?” sey pa niya.
Tuloy pa rin daw ang paglaban niya sa Miss Grand International pero baka ito na raw ang huling pageant na kanyang sasalihan.
- Latest