DongYan ‘Rewind’, gagawin ng direktor ng KathNiel
Rewind ang reunion project sa big screen ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na direksyon ni Mae Cruz-Alviar na identified sa KathNiel.
“I am beyond blessed to be able to share the screen with my loving husband in God’s perfect time. We can’t wait to bring this project to life and make unforgettable memories together! #BlessedBeyondMeasure #Rewind #NewMovieAlertDongYan,” post ni Marian tungkol sa kanilang movie na ang usap-usapan ay pang Metro Manila Film Festival (MMFF).
Collaboration ito ng Star Cinema, APT Productions and Agosto Dos Media na pag-aari ni Dingdong.
Anyway, parang ang daming malalaking pelikula ngayon sa MMFF 2023.
May Sharon Cuneta / Alden, Piolo Pascual, DongYan at iba pa.
Ang sabi ng MMDA, nakatanggap sila ng 26 scripts from 32 production companies na interesadong sumali sa 49th edition ng MMFF.
Perang pampagamot ni Gigi de Lana sa nanay na may cancer, na-scam!
Grabe naman, nalimas pala sa scam ang pera ni Gigi de Lana na panggastos sana ng kanyang nanay na may sakit.
You read it right, naaksidente na nga, nabiktima pa ng scammer.
Walang binigay na detalye si Gigi sa kanyang post kung anong nangyari pero nakuha raw ang laman ng kanyang account.
Post nito : “Please be kind. Simula ng naaksidente kami from car accident. ang dami na nang scam sakin. ninakawan ako sa BDO kinuha lahat ng laman. Na pang medical bills sana yun ni mama. Kaso wala kayo awa. Sinabihan pa ako sa phone call ng “get well soon po kay maam gigi” tapos after nun ninakawan na ako ng tuloy tuloy hanggang sa maubos laman. grabe kayo. Di na kayo naawa. Please wag kayo mang scam or mag nakaw.
“Nga pala ito itsura ko nung after a few days maaksidente. Sa mga hindi alam na ganito kalala and hinusgahan ako na nag inarte ako. Please be kinder. Love you all still. Please let us be kinder sa isat isa,” buong post ng singer.
Maalalang hindi kinaya ng katawang lupa ni Gigi ang pagod last month habang kumakanta ng Noypi sa Himala sa Buhangin! Arts and Music Festival sa Ilocos Norte
Kitang-kita sa mga video na nagkalat na bigla na lang siyang lumupaypay habang kumakanta sa stage at nakaupo. Nakatungo lang siya at hindi makakanta hanggang lapitan na siya ng mga kabanda.
On the way sa nasabing event ay naaksidente na ang sinasakyan nila galing sa Sulong Aurora Event.
Tapos na-scam pa.
Wawa naman.
Pero ganun pa kalala ang defect o flaws ng ating banking system na pwedeng malimas ang pera mo sa bangko?
Pwede bang maghabol si Gigi?
Dami namang nagpadala ng virtual prayers kay Gigi sa nasabing post.
Nakakawindang lang na may mga ganun eh lahat ata ng raket pinapatos nito para sa inang may cancer.
Budol, ginawang ‘comedy’ ang miss grand!
“Sana may sense.” “Sana ‘di parang nakalutang.” “Sana marunong mag-English.” “Sana magseryoso.”
Ilan lang ‘yan sa sana ng netizens sa kumalat na video ni Herlene Budol sa ginanap na Question & Answer portion ng Miss Grand PH pageant na nag-viral.
Ang tanong sa kanya ay anong mga qualification niya bukod sa maraming followers sa social media para manalong Miss Grand PH?
Unang banat niya “Thank you for that looong question for me...Charoz...I have a big followers because I have a big heart! O, English ‘yun, ha?”
Hanggang pinaulit niya ang tanong. “I think this is the right time. Last year siguro po hindi ko oras. Ang sabi nga ng adbokasiya ng Miss Grand is, ano ba ‘yun? World peace and top the war and peace and since I was young - ang sarap mag English - naranasan ko pong ma-bully sa eskwelahan, mabugbog sa tahanan, at dumayo sa ibang bansa bilang... Natutukan ng tatlong baril na talagang armalite at naging isang dayuhan. Para sa akin ang solid ng experience na ‘yun. Ayaw ko ma-experience ng iba ‘yon!
“Kaya bilang Miss Grand, sisimulan ko sa aking experience na ipalaganap sa ibang tao na huwag matakot. Kahit anong pinagdaanan ng mga tao na nakangiti, may katuturan ‘yun. At ikaw ang magiging lakas ng ibang tao upang... maging lakas. Hindi ko ma-explain e... sana po nasagot ko,” ang sagot nito na may moment na tumatawa at parang ‘di seryoso.
May nagsabi naman na napaka-sincere nito at tama naman ang sagot ng Magandang Dilag actress ng GMA 7 na mag-uumpisa nang mapanood next week.
Jose Manalo, ayaw patulan ang ‘pangongopya’ ni Yorme!
Gusto na lang ibaon sa limot ni Jose Manalo ang naiwang utang ng TAPE Inc. sa kanya.
Ito ay pagkatapos niyang aminin na may utang pa nga sa kanya ang dating producer nila pero maliit lang naman.
Sila nina Allan K at Wally Bayola ang binigyan ng offer na mag-host ng Eat Bulaga ng TAPE nang magplanong i-reformat ng bagong management ang noontime show at gawing 3X a week ang TVJ na hindi nga nila tinanggap.
Sina Paolo Contis, Betong Sumaya at Buboy Villar ang naging poste ng programa ngayon na dinagdagan ni former Manila mayor Isko Moreno.
Anong masasabi niya sa mga pumalit sa kanila?
“Marami akong naririnig eh. Hindi ko rin masyadong pinapansin kasi nanggaling din naman ako sa ganun. Nag-umpisa rin ako eh so ‘wag natin idiin ‘yung mga taong nag-uumpisa. Lagi mong tandaan sabi ko nga ‘pag ‘di ka lumingon doon sa pinanggalingan mo, hindi ka makakarating. So look back pa rin tayo lagi.”
Pero anong reaction mo na parang ginagaya ka raw ni Yorme?
“Okay naman po ‘yun. Si Yorme naman alam naman natin na magaling din na tao si Yorme. Mabait. Kalugar ko ‘yan. Halos magkasing lugar lang kami. Okay naman, wala naman tayong problema kasi ‘yung ginagawa rin naman nila continuous ‘yung pagpapasaya at the same time ‘yung pagtulong pa rin sa mga kababayan natin at sa viewers natin.”
- Latest