TVJ todo-todo ang pasasalamat kay MVP, Vic at Joey emosyonal sa pagtanggap ng TV5

Pumirma ang MQuest Ventures sa isang kasunduan kung saan kukunin nito ang 51% equity ng TVJ Productions, Inc., ang media production company na itinatag ng iconic entertainment trio nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Pinatitibay ng kasunduang ito ang partnership sa pagitan ng Mediaquest at Tito, Vic, at Joey to produce media content for the various distribution channels and platforms of Mediaquest na pinamumunuan ni Mr. Manny Pangilinan.

At ang paunang programa ng TVJ Productions ay ang bagong noontime show ng TVJ na nakatakdang ipalabas ang pilot episode nito sa Hulyo 1.

“Welcome home, TVJ,” pahayag ni MQuest Ventures President and CEO Jane Basas pagkatapos ng pirmahan ng kontrata.

“Our new show with TVJ and Dabarkads is only the beginning. We plan to make TV series, live shows, and movies at TVJ Productions. This will surely delight Pinoys here at home and overseas,” dagdag ni Ms. Jane.

 “This is it. It’s good to be home,” ayon naman kay former Senator Tito Sotto, Chairman of TVJ Productions.

“We appreciate the warm welcome from our Mediaquest family. Now it’s time to get to work,” dagdag ng dating senator.

Pero wala pa rin silang ibinibigay na final title.

Inulit ni Tito Sen na talagang sa kanila ang title ng Eat Bulaga kahit na nag-file ng trademark ang TAPE Inc.

“Hindi namin alam 2011 nag-file sila ng trademark. Anong issue no’n? Anong ibig sabihin no’n? Pagkatapos na-expire, paano ngayon? At saka trademark ‘yon. Trademark, it only shows na ang tinarget kung paano kikita. Bakit? Ang trademark na naka-file, goods. Not copyright, this is not copyright at all actually. The copyright belongs to Joey de Leon. Ganun ‘yon.

“So kahit mag-file pa ang kahit sino ng copyright, this is backed up by law and jurisprudence not only in the Philippines but also abroad. Even if you file 10 copyrights or 100 copyrights for something you do not own, talo ka. Why? A copyright is always during the moment of creation. Ang may-ari, the creator. ‘Yun ang katotohanan kaya  Eat Bulaga is TVJ. TVJ is Eat Bulaga,” pagdidiin ni Sen Tito.

Magde-debut ang kanilang bagong noontime show sa July 1, Sabado.

Dala ng TVJ ang legit dabarkads na sina Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Jose Manalo, Maine Mendoza, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Allan K sa kanilang bagong tahanan.

At doon nga ipinaalam ng TVJ sa press ang mga plano para sa noontime show nila sa Manny V. Pangilinan-led network na isang sorpresa pa raw ang title.

“Sa akin ‘Eat Bulaga’,” hirit ni Vic.

“Kunyari Lunes ngayon, sabihin ni Vic, our title for today is...,” biro ni Joey.

“Iba-iba,” sabi ni Allan K.

Pero ang isang bagay ang tiniyak nila, enhanced, better and newer portions ang mapapanood sa kanilang pagbabalik, habang mas magiging active ang papel nila sa production.

Almost a month nang wala sa ere ang TVJ matapos silang magpaalam sa Eat Bulaga at putulin ang kanilang 44 years na relasyon sa TAPE sa pamamagitan ng isang Facebook live presentation.

Todo-todo ang pasasalamat nila kay MVP, Chairman ng Mediaquest. “Maraming salamat, Boss,” naiiyak na banggit ni Bossing Vic kay MVP.

Dagdag ni Joey “Nakakaiyak talaga ‘yon. Katulad ng nabanggit ni MVP, ang feeling namin para kaming si St. Joseph, si Mama Mary na naghahanap ng bahay, ‘di ba. Hindi ko naman sinasabing ito’y sabsaban. Napakagandang sabsaban nito, napakalaki. Pero ‘yung nagbigay ng tahanan si MVP tulad ng binanggit ni MVP. Thank you. Salamat.”

 “Thank you is not enough. More than thank you, salamat. (Joey: Salamuch) Not only kind words but very different approach coming from somebody na pagdating sa business pagkatapos ay biglang gustong tulungan ‘yung iconic program, napakalaking bagay po sa amin,” dagdag ng dating senador.

Kinumpirma naman ni MVP na hindi lang basta talent ang TVJ kundi magiging bahagi sila ng ‘business’ ng TV5.

Mangiyak-ngiyak, din ang buong TVJ nang banggitin ni MVP na ang best analogy na maaari niyang ibigay sa pagtanggap ng buong puso sa kanila ay nung tinulungan niya ang Gilas Pilipinas.

Aniya, iba’t iba ang mga natanggap niyang comments noon na bakit ang laki ng gastos nila sa pagsuporta sa Gilas kahit alam naman nilang ‘di mananalo na kesyo hindi kailanman magiging mga kampeon ang mga Pilipino. “Mahal ng Pilipino ang basketball. Pwede ba naming talikuran ang minamahal ng Pinoy? Ganun din sa Eat Bulaga, ‘di ba,” na talagang naghiyawan ang mga andun sa studio sa mga pahayag ni MVP.

Sinabi rin ni MVP na ginawa nila ang lahat ng tulong sa It’s Showtime pero natapos na ang kontrata nito sa TV5.

Show comments