Alden, love life na lang ang kailangang ipagdasal

Alden

Ewan ko kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Alden Richards.

Para bang bigla na lang naisip ko na kakaiba ang trato niya sa lahat ng taong malapit sa kanya.

Naisip ko kung bakit napakabait niya at hinahayaan lang ang mga pumupuna sa kanya. Hindi niya pinapansin ang mga kung anu-anong intrigang ibinabato sa kanya.

Napakagalang at respectful niya. Napaka-sincere sa mga pakikitungo niya.

Makikita mo ang laki ng pagtanaw niya ng utang na loob sa pagmamahal niya kay Mama Tenten.

‘Yung loyalty niya sa GMA 7 at ‘yung pagmamahal niya sa kanyang fans.

Isang example si Alden ng isang mabuting tao kaya naman hangad mo talaga na maging maligaya siya.

Si Alden ang lagi mong ipagdarasal na magtagumpay.

Hindi siya pumapatol sa mga nega dahil naka-focus lang siya sa kanyang trabaho at kung paano niya ito mapapabuti.

Kaya naman ngayong nasa itaas na siya, ipagdasal mo na lang na sana matagpuan na niya ang babae na mamahalin niya at mag-aalaga sa kanya for the rest of his life. Bongga.

Show comments