Whooa kinuyog ang malagong buhok sa kili-kili ni Joshua Garcia kahapon.
Talagang nag-enjoy ang netizens at kung anik-anik ang comment sa kili-kili ng aktor na kilala rin sa pagiging ‘Higop King.’
Todo rin ang hula nila kung sinong kasama nito sa nasabing pictorial sa El Nido, Palawan.
Napagkamalang si Gabbi Garcia na partner niya sa seryeng Unbreak My Heart.
Anyway, hindi man super toned ang katawan ni Joshua, marami naman ang pumilang followers niya sa nasabing photo dahil yummy at fresh pa raw.
Gusto namang halikan ng iba ang nasabing kili-kili.
Hahaha, may joke pa na alagang ‘creamsilk’ kasi kaya makapal ang buhok sa nito sa underarm.
Patrol weekend, pinaaga!
Magbabalik sa ere ang ABS-CBN Current Affairs sa bago nitong magazine program na Tao Po, sa pangunguna ng award-winning journalist na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo, na nakatakdang ipalabas mula 6:15 p.m. tuwing Linggo, simula ngayong gabi, June 18.
Itatampok ng Tao Po ang mga kuwento mula kay Kabayan Noli de Castro at mga correspondent ng Patrol ng Pilipino na may iba’t ibang paksa mula sa maiinit na isyu, nakaka-inspire na kwento, trending topics, profiles, at entertainment.
Layon ng palabas na bumuo ng mga koneksyon ng tao na may mga unibersal na tema ng pag-asa at pakikiramay na sumasalamin sa lahat anuman ang edad, kasarian at pagkakaiba sa kultura.
Samantala, mapapanood na sa mas maagang oras ang balita dahil inilipat sa bagong timeslot ang weekend flagship program ng ABS-CBN News na TV Patrol Weekend sa bagong timeslot na 5:30 p.m. hanggang 6:15 p.m simula kahapon, Sabado at Linggo.
Available ang TV Patrol Weekend, kasama sina Alvin Elchico at Zen Hernandez, sa cable, satellite, at free-to-air television sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, TeleRadyo, ANC, at A2Z. Maaari rin itong mapanood online sa pamamagitan ng ABS-CBN News YouTube channel, ABS-CBN Facebook page, Kapamilya Online Live, ABS-CBN News website, at iWantTFC.
Joey, may pahaging sa kanilang bagong title!
May naka-schedule nang presscon ang Eat Bulaga sa TV5, this Tuesday, kaya ito na talaga. Wala nang atrasan ang pagbalik ng OGs Dabarkads sa free TV.
Almost two weeks na ring wala sa noontime slot ang mga icon ng Philippine television since mag-resign sila sa Eat Bulaga ng TAPE Inc.
Ang inaabangan ngayon ay kung ano ba talaga ang magiging title nito. Kung This Is Eat! ba talaga.
Pero sinabi ni Joey de Leon sa kanyang Facebook live kahapon kung saan tinatanong niya kung excited na ba ang fans sa kanilang pagbabalik.
At ang isang sinabi niya ay parang gagawa sila ng panibagong world record oras na magbalik sila sa ere.
At baka nga raw sila lang ang kauna-unahang programa na kakalabanin ang kanilang sarili.
“Maganda record ulit ‘yun,” banggit sa nasabing Facebook live ng henyo ng local television.
Hint kaya ito na Eat Bulaga rin ang gagamitin nilang title starting July?