^

Pang Movies

Nuggets ipinagdiwang ang panalo

Associated Press
Nuggets ipinagdiwang ang panalo
Pinamunuan nina Jamal Murray at Nikola Jokic ang victory parade ng Denver Nuggets sa mga kalsada ng Colorado kasama ang kanilang mga fans.

DENVER — Nakasa­kay sa isang trak ng bumbero, ipinagdiwang nina Nikola Jokic at Jamal Murray kasama ang buong Nuggets team ang kauna-unahan nilang NBA trophy sa isang victory parade.

Nabasa sina Jokic at Murray at kanilang mga teammates ng champagne spray, habang umagaw ng atensyon ang anak ng Serbian center na si Ognjena na nakasuot ng championship hat.

Libu-libong fans ang du­magsa para sa unang NBA title ng Nuggets ma­tapos ang 47 seasons.

“This is amazing,” sabi ni Jokic. “We’re all going to remember this our whole lives.”

Sinibak ng Denver ang Miami Heat sa Game Five ng kanilang best-of-seven championship series para tapusin ang matagal nilang paghihintay sa korona.

“It’s hitting me right now,” wika ni coach Michael Malone. “This is an amazing experience.”

Maramng eksenang nangyari sa parada.

Inihagis ni rookie Christian Braun ang kanyang suot na t-shirt sa mga tao, habang nakipag-tsikahan naman si veteran DeAndre Jordan sa mga fans na binigyan rin niya ng high-fives.

Pinirmahan ni Murray ang isang painting niya at umakto si Kentavious Caldwell-Pope bilang TV broadcaster nang kapa­na­yamin niya si teammate Aaron Gordon.

“KCP, reporting live,” ani Caldwell-Pope na ka­tabi si Gordon sa Denver 7 broadcast. “How does it feel to be a champion?”

“You would know, champ,” sagot naman ni Gordon kay Caldwell-Pope.

Ito ang ikalawang sunod na Hunyo na nagkaro­on ng victory parade ang Denver matapos ang pag­hahari ng Colorado Avalanche sa Stanley Cup.

vuukle comment

NBA

NIKOLA JOKIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with