Alden, na-fake news sa pagdalaw sa TVJ

Alden

MANILA, Philippines —Tapos na pala ang shooting ng Five Break-Ups and a Romance na pinagtatambalan nina Alden Richards at Julia Montes na produced ng GMA Films, Cornestone Studios, at Myriad Corporation na pag-aari ni Alden.

Natapos daw ito nang walang aberya at smooth ang shooting. By next week ay uumpisahan naman ni Alden ang shooting ng movie nila ng Megastar Sharon Cuneta.

Kaya walang pahinga ang Pambansang Bae at trabaho lang nang trabaho.

Nag-deny naman si Alden na nagpunta siya ng TV5 Studios para suportahan ang TVJ at iba pang hosts nito. Nauna nang sinabi ni Alden ang suporta niya sa original hosts ng Eat Bulaga. May lumabas kasing video sa TikTok na diumano’y nagpunta siya sa TV5 studios para dalawin at suportahan ang mga original host ng Eat Bulaga. Lumang video na pala ang ginamit na kuha pa sa APT Studios. Fake news ika nga.

Show comments