Anak ni Claudine, may kapehan na!
Nagkaroon ng soft opening noong isang araw ang Baristarretto, ang coffee shop ng anak ni Claudine Barretto na si Sab Barretto at mga kaibigan nito. Si Claudine ang malakas mag-promote ng coffee shop dahil nang i-post niya ang tungkol sa coffee shop, ang dami agad ang nagkainteres na bisitahin ang lugar para magkape.
Hindi lang naman kape ang puwedeng i-order sa Baristarretto, puwede ring mag-order ng tablea at tea and for sure, may pastries, sandwiches and other food na mao-oder.
Speaking of Claudine, ang ganda ng convo nila ni Dennis Padilla na nagsimula nang i-congratulate siya ni Dennis sa pagga-graduate ni Sabina at recognition day ni Santino.Nagpasalamat si Claudine kay Dennis in loving her kids at sinagot ang wish ni Dennis na mayakap sina Sab at Santino.
Barbie at David, ire-remake sina Sharon at Robin!
Nakakatuwa ang fans ni David Licauco dahil nang mabalita na ang TV remake ng hit movie nina Sharon Cuneta at Sen. Robin Padilla sa Viva Films na Maging Sino Ka Man ang sunod na gagawin at pagtatambalan nina David at Barbie Forteza, ang concerned nila ay kung magagawa ba ni David ang mga eksena ni Robin na kinaaliwan ng tao nang mapanood ang pelikula.
Marami naman ang naniniwalang kaya niya ang role na ginampanan ni Robin at bagay raw sa kanila ni Barbie. May workshop naman daw bago ang taping at may acting coach pa sa set. Higit sa lahat, tutulungan at aalalayan siya ng director na magdidirehe ng series.
Ang hinihintay naman ng ibang BarDa fans ay ang mga bardagulan na eksena nila. Wala raw panama ang bardagulan ng dalawa sa Maria Clara at Ibarra.
“Soon” na raw ang simula ng taping nina Barbie at David, tama lang dahil matatapos na ang shooting nila ng first movie nilang That Kind of Love.
Jeric, aprubado ang halikan nina Rabiya at Dingdong
Ipinagpaalam ni Rabiya Mateo sa boyfriend niyang si Jeric Gonzales ang kissing scene nila ni Dingdong Dantes sa Royal Blood at hindi raw isyu dahil trabaho ‘yun. “Wala sa kanya ‘yun,” ang sabi ni Rabiya.
Hindi pagseselosan at hindi pag-aawayan ng magdyowa ang nasabing kissing scene dahil it was a sweet kiss at wala raw lust (sabi ni Rabiya). May pinanggalingan din daw ito at malalaman kapag pinanood ang murder mystery series na magsisimula na sa June 19, 8:50 p.m.
Para kay Rabiya, biggest break niya ang mapasama sa big cast ng Royal Blood na first teleserye rin niya. Kaya ginagawa niya ang best niya.
Based sa teaser na napanood namin, okay naman si Rabiya bilang si Tasha, ang babaeng bakla na neighbor nina Napoy (Dingdong Dantes) at anak nitong si Lizzie (Sienna Stevens). Nakatulong na may halong Ilongga ang dialogue niya at hindi siya nahirapan dahil Ilongga naman talaga siya.
Very proud din ang dating beauty queen na take one lang kinunan ni Director Dominic Zapata ang kissing scene nila ng aktor.
- Latest