^

Pang Movies

Bea at Dominic, naghahabol sa huling biyahe!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Associated Press
Bea at Dominic, naghahabol sa huling biyahe!           
Dominic at Bea

Malapit na malapit na raw ang engagement nina Bea Alonzo at ng boyfriend niyang male starlet na si Dominic Roque.

Nalalaos na sila sa kanilang career dahil tumatanda na sila kaya sana naman ay ikasal na sila. Iyong Dominic mabuti-buti pa noong araw kahit na model ng brief nakukuha pa, ngayon hindi na dahil may edad na.

Si Bea naman hindi na maikakaila na may edad na rin. Dapat talaga mag-asawa na siya. Una baka mahirapan na siyang magbuntis at manganak kung made-delay pa.

Dapat nga seryosohin na nina Bea at Dominic ang kanilang relasyon, iyon lang naman din ang pupuntahan nila eh.

Hindi mo rin naman maintindihan iyang si Bea, lahat na lang ng poject hindi natutuloy nawala na iyong serye na kasama si John Lloyd Cruz, ngayon pati ang pelikula nila dapat ni Alden Richards, napalitan na siya ni Julia Berretto.

Ano nga ba ang nangyayari sa career niyang si Bea na may ambisyon pa namang siya ang movie queen?

Buboy at Paolo, nagpapaligsahan!

Mukhang kawawa naman si Buboy Villar. Mukhang nagpapaligsahan sila ni Paolo Contis bilang the most hated host ng Eat Bulagta.

Si Paolo may issue pang personal.

Ang pagkamali naman siguro ni Buboy ay pinalusot niya bilang contestant sa Eat Bulagta ang katulong niya sa kanyang Paresan.

Ngayon sinasabi nila bakit daw kaya hindi na lang siya magtinda ng pares? Hindi naman kasi siya cute eh, pinagsabihan nila ng pangit si Ryzza Mae Dizon, eh ano nga ba ang kinuha nilang si Buboy Villar, cute ba?

Isko, namimigay ng datung

Napanood namin noong isang araw, nang makausap ni dating Yorme Isko Moreno ang isang nanay na papunta sa isang ospital dahil namatay ang kanyang anak, at may kailangan siyang bayarang malaking halaga. Tinanong ni Yorme kung magkano ang babayaran, P42K daw, binigyan siya ni Yorme ng limang libo, dahil iyon lang ang giveaway prize ng show nila, pero sabi niya, “wala ka nang problema, sama ka sa akin sa ob-lo.”

Pumasok sila sa studio ng APT dahil naroroon pala ang alalay ng dating pulitiko na siyang may dala ng gamit niya at pera. Doon sa loob binigyan niya ang babae ng P42K, ang halaga ng bayaran nito sa ospital kahit na namatay rin ang kanyang anak.

Ibig sabihin abonado pa siya.

Magkano lang ba ang bayad sa kanya bilang host ng Eat Bulaga?

Isa pang mahirap tanggapin ang katotohanan ay ang pagbagsak ng rating nito sa loob ng apat na linggo lang ayon sa nakita naming resulta ng AGB Nielsen.

Iyan ang pinaniniwalaan ng halos lahat ng ibang networks at ng advertising agencies. Kaya nang sabihin nila na ang dating 7% audience share ng Eat Bulaga ay bumagsak na sa 3.1% at nilampasan na ng Showtime, sino ang hindi maniniwala? Sinasabi ngang 80% ng kanilang sponsors ay pumirma na sa show ng TVJ (Tito, Vic and Joey) sa TV5, ano man ang gamitin nilang title ng show.

Bakit mo pa nga ba gagamitin ang isang title na napabagsak sa loob lamang ng apat na linggo.

Pero ang pinakakawawa si Betong Sumaya na matanda na nasira pa ang career, at iyong komedyanteng kulay kalawang ang buhok, bata pa wala nang career eh hindi naman kalakihan ang kinita nila riyan sa Eat Bulagta.

BEA ALONZO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with