^

Pang Movies

Michelle, magiging aligaga sa event ng mga bisexual!

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Michelle, magiging aligaga sa event ng mga bisexual!
Michelle

Dahil proud and out na si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee, excited na itong dumalo sa Pride events kung saan maiimbitahan siya.

Simula raw noong aminin niya na siya ay isang bisexual, bumuhos ang suporta sa kanya ng LGBTQIA+ community at imbitado siya na magsalita para maging inspiras­yon siya sa maraming natatakot na umamin sa tunay nilang pagkatao.

Overwhelmed nga raw si Michelle sa hindi niya inaasahan na suporta ng marami sa pag-come out. Ready na raw siya sa magiging haters at bashers, pero mas nakatanggap daw siya ng maraming pagmamahal. “I have a number of Pride events that I am gracing and I’m performing and a lot of them. I’m also, just attending to show my support,” sey ni Michelle na isa sa rumampa sa bonggang Mega Ball 2023 noong nakaraang Independence Day.

Dion, malaki ang naging lugi sa milk tea

Hindi makapaniwala si Dion Ignacio na umabot siya sa ika-20th year niya sa showbiz. Taong 2003 noong sumali siya sa kauna-unahang batch ng reality-artista search ng GMA na StarStruck kung saan nanalo sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

“Hindi ko rin na-realize na 20 years na pala kaming first batch ng StarStruck sa showbiz. Parang ang bilis ng panahon. Parang kelan lang na nakapila kami para mag-audition sa isang show na hindi namin alam kung ano ang gagawin namin. Lahat kami noon parang ‘Ano ba itong pinasok namin?’ Pero naging daan pala ‘yung StarStruck para mabago ang buhay naming lahat,” pagbalik-tanaw ni Dion.

Inakala rin ng isa sa bida ng Royal Blood na wala na siyang puwang sa showbiz noong magpaalam na siya sa show. “Noong na-eliminate ako, akala ko wala nang mangyayari sa akin. Baka umuwi na lang ako sa probinsya at maghanap na lang ako ng ibang work kasi ako ang panganay sa pamilya. Pero noong bigyan kami ng kontrata ng GMA at nagsunud-sunod ang projects both sa TV at pelikula, naging financially secure na ang pamilya ko,” sey pa ni Dion.

Ngayon ay may sariling pamilya na siya at thankful siya na kahit dumaan ang pandemic ay hindi siya nawalan ng trabaho. Hindi na kasi nabawi ng aktor ang naging investment niya sa isang milk tea business na nagsara noong pandemic. “Ngayon lang talaga ako nakakabawi financially. ‘Yung pinasok kong pera sa milk tea business, hindi ko na nabawi talaga. Mabuti na lang kahit na may pandemic, nag-resume ng taping ‘yung Magkaagaw tapos nasundan pa ng iba pang shows. Kaya slowly ay nababawi ko ‘yung perang nawala.”

Taylor Swift, tinalo na sina Madonna at Beyonce

Hinirang na “second richest self-made woman in music” ng Forbes si Taylor Swift with an estimated net worth of $740 million!

Nalagpasan na ng 33-year-old Anti-Hero singer ang record ni Madonna na may net worth na $580 million at si Beyoncé with $540 million.

Nasa 34 spot overall si Taylor on “America’s Richest Self-Made Women” list, with wealthy companies, including No. 13 Oprah Winfrey ($2.5 billion), and No. 1 Diane Hendricks ($15 billion) of ABC Supply, the largest wholesale distributor of roofing materials in the US.

Lumalago ang net worth ni Taylor dahil sa kanyang Eras Tour na patuloy na nasu-sold out ang tickets.

Si Rihanna naman ang may hawak sa top spot bilang “richest self-made woman in music” with an estimated net worth na $1.4 billion dahil sa kanyang Fenty Beauty makeup company.

vuukle comment

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with