Kinol out ng ilang Pinoy si Vanessa Hudgens dahil sa post nito na isinulat ang bansa natin gamit ang small letter “p.” Bumati pa naman ng Happy Independence Day ang Hollywood actress at nag-try siyang mag-Tagalog. Nasira lang nang banggitin ang bansa natin.
Sabi ni Vanessa, “Maligayang araw ng kalayaan pilipinas! Happy independence day Philippines learning about my heritage and history was so empowering. Connecting to the land and people. Can’t wait to get back. #WeGiveTheWorldOurBest.”
Sa photo na pinost ni Vanessa, kasama niya ang mga Pinoy na suot ang mga katutubong kasuotan ng mga taga-Luzon, Visayas at Mindanao. Kaya lang, nasira ang Independence Day greetings niya dahil sa letter p.
Comment ng isang Pinoy, napaka-basic at itinuturo sa school na kapag name ng country, capital ang first letter. Ang dami na agad hate comments at inakusahan pa si Vanessa na ngayon lang nag-all out maging Pinoy, palpak pa.
May mga dumepensa rin naman kay Vanessa at kung babasahin ang kanyang post, hindi rin siya gumamit ng capital letters sa word na “Independence Day.” May mga celebrity talaga na hindi gumagamit ng capital letter sa kanilang mga post kahit dapat, kaya lang, napansin ng mga kababayan natin at ginawang isyu.
Hindi dine-delete ni Vanessa ang hate comments kahit ang comment na kaya siya pumunta sa bansa natin dahil binayaran siya.
Joey, sumilip sa bagong Eat Bulaga
Sa interview ni Julius Babao kay Joey de Leon, nabanggit nito na sumilip siya sa Eat Bulaga ng mga Jalosjos. Pero, ginagawa na rin daw ito sa It’s Showtime kaya hindi na bago sa kanya ang ganun.
“Oo sumilip ako... siyempre. Sinungaling ko naman kung sasabihin kong hindi ako nasilip. Nasilip ko, sanay akong manood ng Showtime, lahat ng TV. Wala akong masamang komentaryo. Nagtatrabaho ‘yung mga tao.”
Hindi rin inasahan ni Joey ang feedback sa tao ng EB ng mga Jalosjos na karamihan ay puna at pintas. “’Yun nga lang siyempre, hindi ko akalain ‘yung puna ng iba ang daming... ‘Yung nauso ‘yung social media lahat ang daming nagkokomentaryo ‘di ba? Labas ka ako ‘dun.”
Maganda ang comment ni Joey na wala siyang masamang comment sa hosts ng EB ng mga Jalosjos dahil nagtatrabaho lang ang mga pumalit sa kanila. Sabi nga ni Paolo Contis, “we were called to work” at wala naman siyang dahilan at ang mga kasama na tanggihan ang offer.
Sabi naman ni Joey, isa lang ang gusto niyang maging tatak sa publiko o maging legacy niya. “Na ako ang nagpangalan ng Eat Bulaga.” Nabanggit din nito na hindi pa niya masabi kung madadala pa rin nila sa TV5 ang title na Eat Bulaga. Kaya siguro may lumulutang na This Is Eat! na ang title ng version nila sa Kapatid Network.
Napansin lang namin na focus kina Paolo, Betong Sumaya, Mavy at Cassy Legaspi, at Buboy Villar ang galit ng tao, lalo na ang fans ng Eat Bulaga. Hindi na-bash sina Michelle Dee, Kimpoy Feliciano, at Dasuri. Pati nga si Isko Moreno, slight lang ang natatanggap na bashing.
Samantala, may balitang sa July 1, 2023 na magsisimula ang Eat Bulaga ng TVJ at ng Dabarkads sa TV5. Sa petsang ito magsisimula ang bardagulan sa free TV at bardagulan ng viewers.
Sam, tinawag na sawsawero!
Kaloka ang fans, tinawag na “Sawsawero Concepcion” si Sam Concepcion dahil nakisawsaw raw sa isyu nina Vice Ganda, Anne Curtis at It’s Showtime sa SB19. Maaalalang nag-tweet si Sam ng “Pay artists their royalties” at dahil dito, naiba na ang pangalan niya.
Pero, para sa mga nag-agree kay Sam, tama lang daw na makisawsaw ito dahil actor-singer din siya at hindi lang naman para sa kanya ang kanyang tweet, para sa lahat.
May ibang artists nga na open na rin sa isyung tf sa songs nila dahil hindi rin yata sila nakakatanggap ng royalties pero may dokumento namang lumabas na nagbabayad ang ABS-CBN kaya’t pwede nilang gamitin lahat ng kanta.