Bitoy, nagsalita sa pagtanggi sa Eat Bulaga!
Sinagot ni Michael V. ang balitang lumabas na tinanggihan niya ang offer ng Eat Bulaga ng TAPE, Inc. na maging isa sa hosts.
Ayon sa pahayag ni Bitoy (tawag kay Michael V) sa kanyang Instagram post kahapon (Sunday), fake news daw ang nasabing report.
“While I appreciate the positive comments, this one, ultimately is FAKE NEWS,” ang bungad ni Michael V.
Nilinaw ng Kapuso comedy genius na wala siyang natatanggap na offer para maging host ng Eat Bulaga.
“WALA po akong natanggap na offer to host Eat Bulaga on GMA 7. At kung magkaroon man, I will STILL DECLINE dahil hindi na po maa-accommodate ng schedule ko at the moment,” aniya.
Nagpahayag din si Bitoy ng pagkalungkot sa gusot ng TAPE, Inc at ng tatlong main hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon (TVJ).
“It’s unfortunate na hindi naging maayos ang paghihiwalay ng dalawang kampo and I’m hoping na ma-plantsa na ang gusot. Alam ko kasi na in the future, I will appear on both shows for whatever reason and I would like to feel welcome when that time comes,” pahayag ni Michael V.
Tungkol naman daw sa mga nagtatanong kung bakit siya umalis before sa EB aniya ay nasagot na raw niya ito noon pang 2018 at ibinigay pa ang link kung saan mapapanood ang video.
Bilang pagtatapos ay pinaalalahanan ni Bitoy ang madla huwag pabiktima sa fake news.
“I hope this clears things out for anyone who’s asking. Maging maingat at matalino po sa pagbabasa at pagri-research para hindi tayo mabiktima ng FAKE NEWS,” sabi ni Bitoy.
Joey, nagpatutsada!
Speaking of Eat Bulaga of TVJ, ang dami nang nag-aabang sa pagsisimula ng nasabing noontime show sa TV5 lalo pa nga’t talagang puspusan na ang paghahanda para rito ng buong Dabarkads.
Abangers din ang lahat kung ano ba talaga ang magiging title ng bagong show sa Kapatid network dahil kine-claim din ng TAPE, Inc. natin malaman kung magagamit nga ba ito ng TVJ sa TV5 at kasalukuyan pa nila itong ipinaglalaban.
Sa kanyang Instagram post, muli ay sinabi ni Joey na siya ang bumuo ng pangalan at tila nagparinig sa mga taong gustong umangkin ng titulo sa tonong tila patula.
“Noong maisip, binuo at imungkahi ko ang pangalang “EAT BULAGA!” para sa aming palabas nung 1979, naramdaman kong kahit ito ang napili at tinanggap ng marami sa namumuno, matagal-tagal ding ninamnam ito hanggang sa tumining; wari bang isang aampunin na may kaibang tunog at kaiba sa paningin. Tila ba kailangan mong masanay lunukin. Aakalain ba nyong makalipas ang 44 na taon o halos LIMANG DEKADA, ang pangalang ito ay pag-aawayan, pag-aagawan at marami ang nais na umangkin?!” pahayag ni Joey.
Ngayong first week of July na magsisimula ang EB sa TV5.
- Latest