Karla nag-sorry, gumamit ng kanta ng mga kalaban ng gobyerno!

Karla
STAR/ File

Kung kailan papasukin ang army...

Todo-todo ang paghingi ng paumanhin ni Karla Estrada sa social media.

Ito ay matapos niyang madiskubre ang diumano’y theme song ng New People’s Army (NPA) sa nakakalokang paraan.

Sa isang post niya kasi ay ipagmalaki niya ang pagsali sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang reservist na may music background.

Wala raw kasi siyang alam na ang nasabing kanta na ginamit niya sa Reel video ay paborito ng mga makakaliwa o kontra sa pamamalakad ng pamahalaan.

“Magandang Araw po sa inyong lahat. Ang mensahe ko pong ito ay patungkol sa musikang nakalapat sa isa sa aking video reel na ipinost ko sa aking social media accounts na akin ng binura agad. Ito po Ay tungkol sa aking intensyon na maging isang Philippine Army Reservist.

“Ako po ay hindi aware na ang nasabing musika na nailapat sa aking video reel ay isa palang awitin Umano na tumutukoy sa isang grupo na may paniniwalang salungat sa pamahalaan.

“Ako po ay taos pusong humihingi ng paumanhin sa Philippine Army at sa lahat ng taong nasaktan o naapektuhan ng nasabing video reel. Hindi ko po sinadya o intensyon na ilapat sa aking video ang nasabing musika at wala din po sa aking kamalayan kung ano ang kinakatawan o mensaheng nilalaman nito.

“Nais ko pong ipabatid sa lahat na ang tanging layunin ng aking pagpapalista sa hanay ng  Philippine Army bilang Reservist ay upang makapaglingkod sa bawat Pilipino at sa bansang Pilipinas sa abot ng aking kakayanan.

“Muli, humihingi po ako ng paumanhin.”

Nakakaloka.

Hahaha.

Government official pa naman si Karla.

May special position siya sa office ni Speaker Martin Romualdez.

Ipinagmalaki nga recently ni Karla na “Hindi ako basta mamshie! PHILIP’NE ARMY RESERVIST SOON! Para sa bayan kong mahal!”

Anyway, true kaya na hirap pa ring mag-adjust sa Face 2 Face si Karla?

Paolo, nagkasakit sa matin­ding pressure at bashing?!

Ang lalim ng hugot ni Paolo Contis kahapon sa Eat Bulaga.

Mangiyak-ngiyak ang always controversial actor / TV host.

Pero may sakit pala ito at walang boses bago nag-umpisa ang programa.

Parang ramdam mo na rin ang matinding stress sa kanya pero ‘di mo mahahalata.

Binigyan lang daw ito ng gamot ng doctor kaya nagkaboses. Pero pagkatapos daw ng show, paos na ulit ito.

Naka-isang linggo na sila kahapon kaya naman emosyonal sila partikular na nga si Paolo na napuruhan ng bashing, na lahat na ata ng masasamang salita ay natanggap na niya sa social media.

“Lahat ng pagod at effort na araw-araw makasama namin kayo, lahat ng pang-aalipusta, lahat ng pamba-bash, lahat ng pagpupuna sa amin ng mga tao, lahat po ‘yan ay inspirasyon namin to do better,” umpisa nito.

Animo’y naging tribute na rin ‘yun sa mga nasa likod ng kamera, staff, writters, crew at mga boss daw nila na dawit sa massive na bashing sa kasalukuyan matapos silang mag-take over under the new management ng TAPE Inc.

Banggit pa ni Paolo na umaga hanggang gabi ay nagtatrabaho sila at ang mga ito ang dahilan kaya nila ginagawa ito. “Umaga hanggang gabi nagtatrabaho sila para pagdating namin dito sa studio, masaya kayo at alam na namin ang gagawin namin.

“Sila ang dahilan kaya alam namin ang ginagawa namin,” banggit pa ni Paolo na hindi mo nga mapapansing may sakit.

Dagdag na sabi pa nito na pinili raw ng mga ito (production staff) na hindi rin mang-iwan dahil may mga pamilya sila na nangangailangan. “Sila po ang nagpapakain sa mga pamilya nila. Iyan po ang dahilan, isa sa mga dahilan, kung bakit hindi nila tayo iniwan.”

At aniya ang mga ito ang pinaka-apektado dahil sila raw na mga artista ay may ibang pwedeng pagkakitaan.

Kaya’t masakit daw sa kanya na bina-bash pati ang mga staff nila.

Siya raw kasi sanay na sa bashing –“breakfast, lunch, dinner, ako ang i-bash ninyo, okay lang sa akin.”

Pakiusap niya ‘wag na raw idamay ang mga staff dahil hindi nila deserve ang i-bash dahil aniya sila ang tunay na Eat Bulaga.

Sa umpisa pa lang ng pagsasalita ni Paolo ay naiiyak na halos si Buboy Villar.

Nagsalita rin ang dating mayor na Isko Moreno na ang sabi ay bagong host ng EB na parang ang peg ay sina Jose Manalo and Wally Bayola sa pagsabak niya sa programa

In all fairness parang magki-click sina Paolo at Yorme.

Sina Betong Sumaya ay parang kapos pa sa appeal ala-Allan K at parang bata pa naman ang tingin ng iba kay Buboy pagdating sa pagpapatawa at pagho-host.

Anyway, ang sabi, actually, magkakasama ngang lalabas sina former mayor Isko at Paolo na One For All, All For One na dating portion nina Wally and Jose starting Monday.

Habang ang TVJ ay naghahanda rin daw sa kanilang pagbalik sa ‘orig’ version ng Eat Bulaga sa TV5.

Show comments