Hindi pala alam ni Karen Davila ang balitang naka-date ni Korina Sanchez si Fernando Carrillo at nito lang muling bumisita sa bansa si Mr. Carrillo niya nalaman.
Ni-repost pa niya ang article tungkol sa pagde-date nina Korina at ng Venezuelan gentleman na naungkat nang mag-guest si Mr. Carrillo sa Fast Talk with Boy Abunda.
Napa-“OMG! Iba ka @korina” at nilagyan pa ng star emoji ang kanyang caption. Nai-imagine mo na manghang-mangha si Karen sa kanyang nalaman.
Klinaro naman ni Mr. Carrillo na nag-dinner lang sila ni Korina sa interview ni Boy Abunda.
Noong una nga, ayaw pa niyang banggitin ang pangalan ni Korina. Sabi naman nito, “I have a huge respect for Korina Sanchez. She’s a good friend, and I respect her very much.”
Naging popular sa bashing
Hindi dine-delete ni Isko Moreno ang comments at bashing na nakukuha niya mula nang maging parte ng Eat Bulaga ng Jalosjos faction. Kaya libre na mababasa ang mga comment na nawala ang respeto niya kay Isko, na simula na ito ng pagbagsak ni Isko mula Aparri hanggang Jolo.
May nag-comment pa na wala siyang dating at sabi naman ng isa, bida-bida siya, walang appeal, at matutulog na lang daw siya sa halip na manood ng EB. Hindi niya dine-delete ang mga comment na ‘yun at pamba-bash sa kanya, nasanay na rin siguro dahil galing siya sa pulitika na grabe rin ang bashing.
Dahil dun naging “Popular Now” ang Facebook account ni Isko sa rami ng sumusugod at nagme-mema sa kanyang account. Sayaw at kanta ang sagot ni Isko sa kanyang bashers at sa napanood namin, nag-i-enjoy at parang nag-i-enjoy siya sa kanyang ginagawa.
Pero hindi puro bashing ang comment sa kanya, may mga natutuwa na regular na uli siyang mapapanood sa telebisyon. Ang pakiusap lang nila, sana may bago siyang kanta at bagong dance step na gagawin. Ayaw na raw nilang marinig ang Achy Breaky Heart.
Dion, favorite ni Dingdong!
Sa mediacon, narinig uli namin ang pasasalamat ni Dion Ignacio kay Dingdong Dantes na napasama siya sa cast ng Royal Blood na isa si Dingdong sa main lead.
Sa mga interview kay Dion, lagi niyang pinasasalamatan si Dingdong, napaisip tuloy kami na baka siya ang personal na pumili kay Dion na masama sa cast at gampanan ang role ni Andrew, ang ambitious husband ni Margaret (Rhian Ramos).
Hindi rin niya makalimutan na ang first scene niya with Dingdong ay sa dinner table, dinner ng Royales family. Very tense ang eksena at ramdam ito ng mga manonood sa murder mystery series simula sa June 19, 8:50 p.m., sa direction ni Dominic Zapata.
“I’m very, very grateful talaga na napabilang ako rito. Ipinapangako ko na paghuhusayan ko ang trabaho ko. First time ko rin makatrabaho si Rhian at na-intimidate ako ng konti. Pero noong nagte-taping na kami, okay naman pala siya at tinutulungan pa nga niya ako,” sabi ni Dion.