Ang bongga ni Kristine Hermosa. Marami ang namangha sa ganda niya. Ayon sa netizens parang hindi talaga siya tumatanda at mas lalo pa siyang gumaganda habang tumatagal.
Lumabas ang mga litrato niya suot ang isang elegant wedding gown. Kuha raw iyon sa isang Bridal Fashion Show kung saan isa siya sa mga rumampa.
Wala raw sa mukha nito na 39 years old na siya.
Wala pa rin talagang kupas ang ganda nito. Kinumpara rin siya ng netizen sa manyika na para raw itong Barbie in real life.
Pati ang mister nitong si Oyo Sotto ay ‘di rin napigilang ipagmalaki ang misis nito. Nag-post ito ng litrato ng misis na may caption na “Grabe naman… Pakasalan kita dyan eh.”
Komento rin ng netizens, “Gandang walang kupas. Legit na legit ang kagandahan,” at “Timeless beauty.”
Isa talaga si Kristine sa may pinakamagandang mukha sa local showbiz. Nakakahinayang lang na hindi na siya aktibo sa pag-arte at mas piniling maging full-time mom sa kanilang mga anak ni Oyo.
Meron silang limang anak na sina Ondrea, Kristian, Kaleb, Marvin at Vittorio.