^

Pang Movies

Jillian, itatambal kay Zaijian Jaranilla!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jillian, itatambal kay Zaijian Jaranilla!
Jillian

Ang bongga naman ni Jillian Ward. Sasabak na siya sa kanyang pinakaunang pelikula bilang bida.

Pinaghahandaan na niya ito ngayon lalo na at sa ibang bansa pa pala ito isu-shoot.

Sabik na raw talaga siya dahil ngayon ay dalaga na siya at noong last movie raw niya ay baby pa siya.

“Nae-excite po ako, syempre kasi first movie ko po siya bilang dalaga na, hindi na po ako baby. Last movie ko po baby pa po ako. Tapos out of the country pa po,” sey niya.

Aminado naman ang aktres na kinakabahan siya dahil bagong karanasan daw ito para sa kanya dahil matagal-tagal na raw siyang hindi gumagawa ng pelikula.

Meron na din siyang leading man sa kanyang unang pelikula at dating child star din daw ito gaya niya na itago natin sa pangalang Zaijian Jaranilla. Kaya marami ang lalong na-excite at kung anong klaseng pelikula na may love story nga ba ito.

Nagpapasalamat din siya sa mga sumusubaybay sa seryeng pinagbibidahan nila ni Carmina Villarroel na Abot-Kamay Na Pangarap.

Maski raw silang mga cast ay nagugulat sa bagong script dahil papunta pa lang daw sa exciting part.

vuukle comment

JILLIAN WARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with