TVJ, sinagot ng mga Jalosjos!
Nasapawan lahat ng isyu sa showbiz ng Eat Bulaga.
At kahapon nga ay mas pinag-usapan pa at inaabangan ang mga susunod na pangyayari.
Wala pang sinasabi ang TAPE Inc. kung sino ang papalit kina Tito, Vic, and Joey at sa iba pang host ng Eat Bulaga, pero naglabas sila ng official statement na hindi raw naka-depende sa tatlong tao ang tagumpay ng programa nila kaya mas higit pa raw sa isang libo’t isang tuwa ang mapapanood rito.
Kumbaga ay sagot ang nasabing statement sa mga pangyayari sa programa kung saan nga nagbitiw ang TVJ.
Narito ang kanilang statement na pirmado nina Romeo ‘Jon’ M. Jalosjos Jr, President/CEO and Seth Frederick ‘Bullet’ P. Jalosjos, Director of Finance.
“TAPE, Inc. is saddened by the turn of events yesterday, May 31 but we respect the decision of the hosts to leave Eat Bulaga and GMA 7 Network, which has been their home for 28 years.
“We are grateful to the men and women who worked tirelessly for the past 43 years to make our noontime show number 1. The success of Eat Bulaga is not dependent only on three (3) people but on the collaborative efforts of its talents, crew, and loyal viewers.
“We are happy for the full support of GMA 7 in making Eat Bulaga bigger, to bring more fun and excitement to every Filipino.
“We want to assure the public and the supporters of the show through its segments that we are committed to provide quality entertainment.
“It is unfortunate, but life must go on. As with life, we have to accept changes but we have a duty to every Filipino.
“Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at HIGIT PA SA ISANG LIBO’T ISANG TUWA na Eat Bulaga. Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso MULA APARRI HANGGANG JOLO AT SA BUONG MUNDO.
Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo.”
Kahapon ay replay pa rin ang napanood sa programa.
Janella, nag-celebrate ng Pride Month
Isa sa mga naunang nag-celebrate sa Pride Month sa pagsisimula ng buwan ng Hunyo si Janella Salvador.
Tweet nito, “As we step into the month of June, remember that love comes in different forms and it always — ALWAYS — deserves to be celebrated with pride.”
Walang nagdududa sa sexuality ni Janelle though may ibang gusto pa siyang i-link kay Jane de Leon matapos silang maging close sa Darna.
Anyway, si Miss Universe Philippines Michelle Dee ang bagong out na member ng third sex.
Sa isang cover story ng magazine, ini-encourage niya na huwag hayaang kontrolin ang mga katulad niya ng mga tao sa paligid. Sa halip, maging inspirasyon sila sa lahat.
“I am Michelle Marquez Dee. An entrepreneur. A Lifelong Advocate. An Actress. Miss Universe Philippines 2023 and PROUDLY BISEXUAL,” ang last part ng kanyang post na pinapakita ang kanyang pictorial.
Nauna nang nagladlad ang Kapuso actress na si Klea Pineda na miyembro rin siya ng LGBTQIA+ community.
Vice, huhugot pa sa mga outfit!
Babalik ang Everybody, Sing! ni Vice Ganda na ginawang higit sa P2 milyon ang jackpot prize simula ngayong weekend (Hunyo 3 at 4).
Tiyak din na aapaw ang kantahan at kasiyahan tuwing weekend family time dahil magkakaroon na ito ng 100 players na magbabayanihan upang makuha ang premyo.
Noong nakaraang season ng unang community singing game show ng bansa, napanood ng mga viewer ang pagtutulungan ng 50 players upang mapanalunan ang P1 milyon na jackpot prize.
Ilan sa mga nagwaging ‘songbayanan’ ay ang mga bartender, gas station worker, at bank employee.
Sa isang panayam sa Magandang Buhay, binigyang-diin ni Vice ang kahalagahan ng family time. Aniya, makabuluhan para sa kanya ang pag-uusap nila ng kanyang inang si Rosario tuwing gabi.
“Every night tumatawag talaga siya, every night nag-uusap kami sa telepono. Bago siya matulog kailangan makita ko muna ‘yung mukha niyang walang pustiso. Kaligayahan ko ‘yun eh tsaka ‘yan ‘yung mukhang gusto kong nakikita every night. ‘Pag tumawag ka, ang laking awas ‘nun sa nararamdaman ko,” sabi ni Vice.
Samantala, mas kabogera raw ang outfit ni Vice sa pangatlong season ng Everybody, Sing! na hinuhugot ang inspirasyon batay sa hanapbuhay ng tampok na ‘songbayanan.’
Unang sasalang ngayong weekend ang ‘songbayanan’ ng mga police officer.
Magkakaroon na rin ng celebrity guests kada weekend na kakanta kasama ang bandang Six-Part Invention. Unang sasalang si The Voice Kids Season 5 coach KZ Tandingan at ang mga komedyanteng sina Divine Tetay at Petite.
Makuha kaya ng unang ‘songbayanan’ ang jackpot prize?
- Latest