Magkasama ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado na nag-date sa isang nail spa kahapon.
Sabi ni Sen. Bong, ‘yun na raw ang celebration ng kanilang 37th wedding anniversary.
Malamang na may dinner naman sila kagabi kasama ang kanilang mga anak, pero sa loob ng 37 years ng kanilang pagsasama, hindi rin biro ang mga pinagdaanan nila, pero nanatili pa rin silang buo at mas matatag ang kanilang pagsasama.
Sabi ni Cong. Lani, tapos na raw siya sa mga pagseselos.
Tinatanong kasi siya kung posible kayang pagselosan niya si Beauty Gonzalez ang bagong kapareha ni Sen. Bong sa bagong action-comedy series niyang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na magsisimula na sa June 4.
Pero si Cong. Lani na nga mismo ang pumili kay Beauty para gumanap bilang Gloria sa naturang sitcom.
“Napanood ko si Beauty sa ibang shows niya and she’s good.
“I know Bisaya siya and I have some friend na Bisaya rin. No names lang, pero naaaliw ako kapag tumatalak sila sa mga mister nila.
“So, naiisip ko si Beauty nga ang kunin at gawing Bisaya ‘yung character ng wife sa show,” sabi ni Cong. Lani.
Pero posible kayang mag-guest si Cong. Lani sa naturang sitcom?
Hindi lang daw niya alam kung ano ang role, pero gusto niya, kapag may sumakto sa schedule niya.
Kate, ‘di pa bumibigay kay Yasser!
Inamin sa amin ni Kate Valdez na nanliligaw sa kanya ang Kapuso hunk na si Yasser Mata.
Medyo duda na kami sa kanilang dalawa nung magkasama silang dumating sa debut ni Jillian Ward nung February.
Tinanong ko pa si Yasser kung sila na ba ni Kate, ang bilis niyang tumanggi.
Sabi ni Kate nung nakatsikahan ko sa mediacon ng Walang Matigas na Pulis Sa Matinik Na Misis, hindi pa raw nanliligaw si Yasser nung time na ‘yun.
Ngayon daw ay pursigido raw si Yasser.
“Yeah! He’s courting,” diretsong sagot ni Kate tungkol kay Yasser.
Pinayagan naman daw siya ng parents niya na tumanggap ng manliligaw. Pero hanggang sa panliligaw pa lang daw si Yasser. Ayaw niyang sabihing nasa level na sila ng ‘exclusively dating.’
“To be honest, nakaka-confuse ‘yung word na date. Pero, kasi mas traditional ako, So, pupunta po ako sa word na ligaw. So, getting to know each other,” pakli ni Kate.
So far, okay naman daw si Yasser, dahil pursigido ito sa kanya.
“Okay naman. Kahit papano kasi, he’s consistent. So, ‘yun lang ang masasabi ko. He’s consistent, mabait, ‘yun.
“Kasi, hindi mo naman makilala yung tao agad agad, ‘di ba? For a very short time. And now, busy sa taping. So, ‘yun. We’re just taking our time, and take it slow,” dagdag niyang pahayag.
Wala naman daw ibang nanliligaw pa. Tanging si Yasser lang daw ang nakikita niyang seryoso. “My door is open. Wala pa namang so far, nangungulit pang iba. He’s consistent,” sabi pa ni Kate.
Pero maganda ang loveteam nila ni Kelvin Miranda na nagsimula sa Unica Hija.
Sinundan agad dito sa Walang Matigas na Pulis...
Posible kayang ma-develop si Kelvin sa kanya rito at baka ligawan din siya?
“Well, eto po ‘yung trabaho namin. So, we have to balance our personal and ‘yung work.
“Mga actor kami and we know what we’re doing,” pakli ni Kate.
Abangan natin sa action comedy na ito kung mag-hit uli ang kanilang loveteam. Posible kayang pagselosan ni Yasser si Kelvin?