Grabe 37 years na pala sina Sen. Bong Revilla and Cong. Lani Mercado.
Sinong mag-aakala na tatagal sila ng ganyan sa rami ng mga pinagdaanan nila.
Kaya naman panay ang pasasalamat ni Sen. Bong na kabado nga sa kanyang bagong comedy-action-drama series na Walang Matigas Na Pulis sa Matinik na Misis.
Sa rami ng na-link kay Sen. Bong, kung iba lang talaga si Lani, baka hindi sila umabot ng ganito katagal.bag
Post ni Sen. Bong kahapon : “Happy 37th Anniversary to my ever-dearest Mama @lanirevilla —ang kabiyak ng aking puso at kadugtong din ng buhay kong ito.
“God must love me so much to deserve someone like you, Mama. Salamat sa lahat ng iyong pag-intindi, tyaga at walang kupas na pagmamahal sa akin at sa ating mga anak. In this life full of struggles, you are, and you will always be my answered prayer.
“I can live my life over and over again, knowing that you’ll be there next to me saying “I do.” I love you, Mama!
“Habambuhay, ikaw at ikaw pa rin!”
Marian, milyones ang halaga ng bawat bag na bagong bili!
Ahh P2 million pala ang worth ng hand carry bag ni Marian Rivera sa kanyang renewal ng contract sa isang endorsement.
Himalayan daw kasi ‘yun at sa Europe lang nabibili ang nasabing brand, Delvaux.
Aside from that, meron ding isa pang clutch bag na Himalayan si Marian, Hermes naman ang brand. More than P2 million din daw ang worth nun.
Pero kung winner ang mga bag ni Marian, si Nadine Lustre naman ay tumigil na sa pagbili ng leather goods.
Kamakailan nga ay sinabi ng aktres ang tungkol sa kanyang vegan lifestyle, na walong buwan na niyang ginagawa.
Bukod sa diet, inamin niyang tumigil na siya sa pagbili ng leather items.
Sa vlog na in-upload ng celebrity dermatologist na si Dr. Aivee Teo, naalala ni Nadine ang kanyang Monaco trip na sa susunod niyang biyahe mas magfo-focus siya sa food and accommodation kesa sa pagso-shopping.
Aniya, kahit na maraming magagandang views naghahanap pa rin sila ng mga restaurant na swak sa kanilang lifestyle. “We found restaurants in Paris, parang 2-star or 3-star Michelin na vegan, so that’s what we are aiming for. That’s why sabi ko, ‘Okay, for this trip I’m not gonna shop,’” sabi ng actress na hindi na kumakain ng karne, seafood and dairy products.
Pati wine vegan na rin.
Pati sa shopping ay vegan na rin nga ang actress.
“Pakiramdam ko, mahihirapan ako, doc, kasi tumigil na ako sa pagbili ng leather—mga bag, sapatos, oo, tumigil na ako sa pagbili,” sabi niya in English.
Maapektuhan kaya nito ang mga social media posting niya ng luxury brand na made of leather?
Recently lang ay nag-post si Nadine ng collab sa isang luxury brand na made of leather.
Pacman nakipag-ayos kay Chavit Singson
Friends na ulit sina former senator Manny Pacquiao and former governor Chavit Singson.
Matagal ding nagkasira ang dalawa.
Napansin noon na wala si Mr. Singson sa huling fight ni Manny kay Yordenis Ugas ng Cuba (August 2021).
Regular fixture ang dating pulitiko at negosyante sa mga laban noon ni Manny.
Pero ayos na raw ulit sila, ayon mismo sa negosyanteng ang latest na ka-business deal ay ang Korean actor na si Lee Seung-gi.
Inimbitahan daw siya noong birthday ni Pacquiao at pumunta naman siya.
“Nung birthday niya inimbita ako so pumunta ako,” sagot niya.
Bumalik na po ba ang friendship n’yo?
“Ah yes, pareho mas maganda ngayon dahil ganoon naman talaga eh. Meron kung minsan hindi pagkakaintindihan pero hindi naman permanent.”
So nagko-consult na ulit siya sa inyo?
“Oo, nakakausap pa rin,” dagdag ng negosyante.
Samantala, kelan nga na nag-umpisa ang negotiation nila ni Lee Seung-gi?
“Ito ipa-finalize na. Hopefully mapirmahan na... ‘yung pagpunta rito, ‘yung mga kasama nya.
“Kaya pabalik-balik lang siya rito (LSG).
“Minsan lang nagpunta sa Vigan pero agad-agad nagustuhan niya at babalik daw, so ‘yun babalik siya ngayon at nakapagplano na pabalik-balik na rito,” sabi pa ng presidente ng LCS Group of Companies sa isang media interview.
Ilang araw po sya rito?
“Three days.”
Mabait daw si Lee at walang attitude kaya mabilis silang nagkasundo.
Bukod sa Little Seoul Complex sa Metrowalk, may mga plano raw silang magtayo ng building.