^

Pang Movies

Chavit Singson, sinagot ang relasyon kina Pops, Vina at Yen Santos!

Salve V. Asis - Pang-masa
Chavit Singson, sinagot ang relasyon kina Pops, Vina at Yen Santos!
Yen

MANILA, Philippines — Dumating sa bansa kahapon ang Korean actor na si Lee Seung-Gi. Sakay siya ng private plane ni former governor Chavit Singson.

Katatapos lang ikasal ng Korean actor at kagagaling din nito ng Tokyo and Osaka para sa kanyang Asian Tour. At hindi lang basta fan meeting, taping o shooting ang gagawin ng Korean actor sa bansa this time kundi magkakaroon sila ng business partnership deal ni Mr. Singson sa LCS Group of Companies. Itatayo nila ang Little Seoul sa Metrowalk ayon mismo kay Mr. Singson. Magiging attraction sa Little Seoul ang mga tourist spot sa Korea kaya hindi na raw kailangang pumunta sa Seoul ang mga Pinoy.

Samantala itinanggi ni Mr. Singson ang sinasabing relasyon niya kina Pops Fernandez and Vina Morales. “Mga kaibigan ko ‘yan, at tinutulungan natin,” aniya.

Kakatawa naman ang sagot ni Mr. Singson nang tanungin tungkol kay Yen Santos. Nangiti lang ito at sumagot na “itanong n’yo na lang kay Paolo Contis” sabay tayo nito sa interview.

Sexy star na si Alexa Miro at Sandro Marcos, nabuking sa delivery ng order na pagkain

Sa isang prime residential condo located in Makati City pala nakatira ngayon si Ivana Alawi.

Not sure ang nakausap ko kung renting o owner si Ivana ng nasabing unit na ang ongoing rate diumano ng rent a month ay umaabot sa P300,000.

Well, afford naman ng sexy star / vlogger ang nasabing amount pero sossy na rin talaga si Ivana dahil mga super rich ang mga neighbor niya.

Nali-link ngayon si Ivana sa isang prinsipe ng Brunei.

Samantala, sa nasabing building din daw may unit ang sexy star na si Alexa Miro.

Sa Penthouse, mind you.

At kaya nabuking na nakatira siya ay dahil sa delivery ng pagkain.

Narinig daw sa lobby ng bulding na ‘delivery for Alexa Miro.’

At ‘yun na.

May unit din diumano sa nasabing prime residential condo si Presidential Son Sandro Marcos na nali-link kay Alexa.

Lucky girl si Alexa na in all fairness ay gumagaling na ring mag-host sa true lang.

Pareho naman silang single.

Noong isang taon pa nali-link sina Cong. Sandro and Alexa.

Pero nagsalita noon ang presidential son sa isang TikTok video na “Magkaibigan talaga kami ever since.”

Kumalat din last year ang kanilang mga picture na magkasama sa Singapore para sa F1 Grand Prix.

At sa nasabi ring TikTok video na gamit ang pangalan na @ferdinand_alexander7 ipinaliwanag ng batang pulitiko na nasa group of people sila noon ni Alexa at nung umiikot daw sila ay biglang may lumapit habang kumukuha sila ng drink at pinicturan sila na kumalat nga that time.

vuukle comment

CHAVIT SINGSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with