Finally, after seven years ng pagpapayat at dieting, tila na-achieve na rin ni Sharon Cuneta ang kanyang ideal weight.
Nag-post si Megastar ng larawan niya kung saan ay kitang-kita naman talaga na malaki na ang ipinayat niya at buong ningning niya rin itong ipinagmalaki sa caption.
“Tonight at a private event where I sang - at the Peninsula Manila Opo pumayat na po ako after 7 years!!!” ani Shawie.
Agree naman ang netizens at kapwa-artista at obvious na masayang-masaya rin sila sa success ng diet journey ni Mega.
Comment ni Christine Babao, “Payaaaaat!!!!”
Reaksyon naman ni Mariel Rodriguez, “Yesssss.”
Puri naman ni Vina Morales, “sexy ate.”
Sey ng isang netizen, “that’s what you call discipline.”
Sabi naman ng isang Sharonian, “Our queen is so back. Mama maintain it na. We love you. And on a personal note, we are so proud of your grit and determination.”
Matatandaang hindi naging madali ang journey ni Sharon sa pagpapayat for seven years. Talagang dinisiplina niya ang sarili sa pagkain at naibahagi nga niya minsan sa isang panayam ang sikreto niya na pakonti-konti lang ang kain niya.
Luis at Jessy, gusto na agad gumawa ng baby no. 2!
Maglilimang buwan pa lang ang panganay na anak nina Luis Manzano and Jessy Mendiola na si Baby Peanut or Baby Rosie pero mukhang masusundan na ito.
Sa kanilang Instagram account ay nagkulitan ang mag-asawa dahil tila gusto na ni Luis ng baby no. 2.
“Gawa 1 more?” sey ni Luis.
Sagot naman ni Jessy, “pagalingin ko muna sugat ko hahaha.”
Ipinakita rin ni Jessy kung gaano nga kabilis lumaki si Baby Peanut.
“Apparently we make big babies. Had to get 6-12mos clothes because she already outgrew her 3-6 mos clothes. She’s only turning 5 months in a few days. Grabe ang bilis,” pahayag ni Jessy.
In her past interview, nabanggit ng aktres na two or three raw ang gusto niyang maging anak nila ni Luis.