Kabogera si Kathryn Bernardo.
Nominado lang naman siya sa Outstanding Asian Star award kasama ang Korean stars na nina Song Hye-kyo, Song Joong-ki and Park Eun-bin sa gaganaping 2023 Seoul International Drama Awards.
Kabilang din ang mga nominado ang iba pang Korean stars tulad nina Lee Je-hoon at Yoon-ah; Lai Ter-Chien, Wanghedi and Shuxin Yu ng China; Nichkhun ng Thailang; Tsuyoshi Kusanagi and Kento Yamazaki ng Japan; Vivian Sung ng Taiwan.
Ang mismong organizer nito ang naglabas ng press release sa social media.
May botohang magaganap sa pamamagitan ng Idolchamp kaya may chance si Kathryn.
Sa sipag ng Pinoy fans.
Mag-uumpisa ang botohan sa June 15 to July 14.
Pero sa September 21 pa ang awarding ceremony.
Maalalang nanalo ng ganitong award si Belle Mariano.
Kim, nakabili ng bagong bahay!
Pinasilip ni Kim Chiu ang bunga ng kanyang pinagpaguran.
Isang bagong bahay na may swimming pool.
“Fruit of labor. #ForeverGrateful,” at kasama na niya sa photo ang ateng si Kam Chiu at ang ama.
Walang binigay na ibang information si Kim kung sa Tagaytay ang nasabing bahay.
May bagong partnership sa media group ni Speaker Romualdez... Teleradyo nalulugi, isasara na!
Isasara na ang Teleradyo ng ABS-CBN umpisa sa June 30, 2023.
Kasabay nito ang annoucement na ang kanilang partnership sa Prime Media Holdings, ang kumpanya na ang majority shareholder daw ay si Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
“TeleRadyo has been incurring financial losses since 2020. Since ABS-CBN can no longer sustain TeleRadyo’s operations, ABS-CBN is left with no choice but to cease the operations of TeleRadyo effective 30 June 2023 to prevent further business losses,” ayon sa inilabas na statement ng ABS-CBN.
“The company is deeply saddened by this closure and having to part ways with the many passionate and committed people who have made Teleradyo an important source of news and information for many Filipinos.
“However, intending to find ways to continue providing news to the public, ABS-CBN os entering into a joint venture with Prime Media Holdings Inc.
“The New company will produce various programs, which will be supplied to broadcasters and other 3rd party platforms including Philippine Collectivemedia Corporation.
“Under the agreement, ABS-CBN will have a minority stake in the joint venture, and Prime Media Inc. will be the majority stakeholder,” ayon sa statement ABS-CBN.
Primetime shows ng ABS-CBN, extended ang on-demand streaming
Tutok ang mga manonood sa primetime shows ng ABS-CBN matapos itong magtala ng higit 642 milyong total views sa Kapamilya Online Live mula Pebrero hanggang Abril 2023.
Nakakuha ng pinagsama-samang 194 milyong views ang FPJ’s Batang Quiapo, The Iron Heart, at Dirty Linen sa Kapamilya Online Live sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, kung saan meron itong 36 milyong Facebook followers at 43.7 milyong YouTube subscribers.
Extended na ng 14 araw ang on-demand streaming nila ng latest episodes ng ilang ABS-CBN shows tulad ng FPJ’s Batang Quiapo at The Iron Heart kaya uso ngayon ang catch-up session.