Lalong tumitindi ang mga issue. Ngayon ang akusasyon naman nila ay hinarang din daw ni Liza Diño ang appointment ni Tirso Curz III bilang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), at inutusan pa diumano ang isang empleyado na itago ang dumating na appointment letter at huwag sabihin kay Pip na may appointment na nga siya.
Napakabigat na akusasyon niyan dahil nangangahulugan din iyan ng insubordination dahil hindi pa umano iyon nag-resign sa kabila ng utos ng Malacañang na bakantehin na nila ang kanilang mga puwesto.
Mayroon kasing nakitang technicality. Nakalagay sa batas na ang FDCP chair ay maaaring manungkulan ng dalawang term na tatlong taon ang bawat isa.
Noong matapos ang kanyang unang tatlong taon, hindi siya binigyan ng reappointment ng noon ay Presidente Digong pero nagpatuloy siya nang tatlong taon pa.
Walang questions dahil natapos na ang term niya pero hindi naman siya pinalitan at kinikilala pa rin ng presidente. Noong paalis na si Presidente Digong at saka siya humingi ng panibagong appointment.
Technically walang nalabag sa batas dahil iyon lamang ang kanyang appointment para sa second term.
Lumalabas na iyong nagdaang tatlong taon, wala siyang appointment pero nanatili siya “at the pleasure of the president.” Kaya inilalaban niya na ang second appointment niya ay valid. Pero iyon din ang nagamit sa kanya, hindi sinabi ng batas na co-terminus siya sa presidente, pero mananatili siya “At the pleasure of the president.”
Ibig sabihin may valid appointment man siya ng umalis na presidente, gusto siyang palitan ng bago, wala siyang magagawa. Ang alam namin, nakipag-meeting pa siya noon sa dating executive secretary na si Vic Rodriguez, na pinahinuntulutan siyang manatili habang wala pa ang appointment ni Tirso Cuz III kahit na nakapanumpa na iyon.
Kaya siguro ayaw niyang ipalabas ang appointment na dumating na pala sa FDCP, dahil habang wala iyon, pinapayagan siya ng executive secretary na manatili sa posisyon.
Mukha ngang dumarami ang kailangang sagutin ni Liza, dahil naroroon ang mga empleyado ng FDCP na maaaring magpatunay ng akusasyon.
Boobay, walang certificate na fit to work
Wala palang inilabas si Boobay na certificate mula sa kanyang doktor na siya ay fit to work na matapos ang kanyang pinagdaanang mild stroke.
Siguro naiinip na rin naman siya kaya siya nagbalik sa trabaho at pakiramdam niya kaya naman niya. Maski nga kami eh, wala pang fit to work certificate, pero ang kaibahan namin sa bahay lang kasi kami nagtatrabaho.
Minabuti ng GMA 7 na pagpahingahin muna siya hanggang wala siyang clean bill of health. Pansamantalang papalitan muna siya ng komedyanteng si Buboy Villar sa kanilang show ni Tekla.
Ok naman si Buboy at kaya niya ang trabaho, kaya lang iyong chemistry nila maiiba dahil ang nakasanayan ng tao sa show ay mga gimmick ng bakla na siyang ginagawa ni Boobay. Kaya bang magbakla ni Buboy?
Nora, pinakiusapan ang mga anak
May birthday celebration din naman pala si Nora Aunor, doon sa Seda Hotel sa Vertis North. Naroroon ang kanyang mga anak, at naroon din naman si John Rendez. Malayo iyon sa nakasanayan nating birthday ni Nora dahil wala roon ang marami niyang fans.
Hindi naman papayagan ang maraming fans sa Seda Hotel. Pero ang lumalabas na highlight ay ang mensahe ni Nora na nakikiusap sa kanyang mga anak na tanggapin na at mahalin si John Rendez, dahil noon daw down siya, nawala ang lahat at ang naiwan lang para mag-alaga sa kanya ay si John Rendez.
Si John Rendez ay isang baguhang DJ at rapper nang makilala ni Nora Aunor. Si Nora ang nag-produce ng album ni John na hindi naman nai-distribute nang mabuti kaya hindi naging hit.
Nag-produce rin si Nora ng isang pelikula ni John Rendez na nag-flop din naman.
May panahong nagkaroon din ng controversy nang si Nora at si John ay idemanda ng asawa noon. Iniwan daw ni John ang kanyang asawa at mga anak, hindi siya nagbibigay ng sustento at sumama nga kay Nora. Hanggang ngayon ay hindi naman maliwanag kung ano nga ba ang tunay na status ng relasyon ni John kay Nora.
Oficially, si John ay talent at manager niya si Nora. Sa show business iba naman ang usapan. Ngayon hinihiling ni Nora sa kanyang mga anak na kalimutan na ang mga problema ng nakaraan at mahalin nila si John. Hindi maliwanag kung anong pagmamahal iyon.