Boobsie pala si Kathryn Bernardo at ngayon lang nito flinex ang kanyang asset. Kaya masuwerte ang V! Jewelry na pumayag ito na ipakita ang kaseksihan sa photoshoot for her newest endorsement. Hindi masisisi ang fans kung sa pagiging boobsie at kaseksihan muna ng aktres ma-focus ang kanilang mga mata at atensyon.
Kasi naman, ngayon lang ipinakita ni Kathryn na sexy siyang nilalang, nagulat ang kanyang fans na hindi sanay sa mga ganitong ayos at suot ni Kathryn. Masaya ang mga comment na “Nagpa-sexy na siya.” May karapatan siya to show her asset at iba pang positive comments. Ang ibang walang masabi, nag-post na lang ng fire emojis.
May fan din na nag-shout out sa fans ni Kathryn na dati bina-bash ang mga artistang nagpapaseksi. Hindi raw alam ng fans nito na gagawin ito ng aktres at maganda ang sinabing she is showing her maturity at ang payo sa ibang fans ni Kathryn ay tigilan ang pagki-critize sa ibang artist.
Siyempre, nag-react ang fans niya at sabi, kaya lang ito pumayag sa sexy photoshoot dahil endorsement shoot ito at hindi basta nagpo-post ng sexy photos. As of now, hindi pa tapos ang bangayan ng dalawa.
Coco at Julia, wala nang tinatago!
Magkasama sina Coco Martin at Julia Montes na dumalo sa Celebrity Watch Party para sa Unbreak my Heart at ang gandang tingnan na sama-sama ang Kapamilya at Kapuso talents sa isang event. Parang mas maraming big stars ng ABS-CBN ang dumating kesa big stars ng Kapuso.
Sa interview, nabanggit ni Coco na naging part siya ng Daisy Siyete at si Julia naman ay may ginagawang pelikula ngayon katambal si Alden Richards, ang Five Break-Ups and A Romance.
May nabasa kaming tila gustong pagsamahin sina Coco at Alden sa isang project and I’m sure, parehong game ang dalawa. Sayang lang at wala silang larawang magkakasama sa nasabing Celebrity Watch Party.
Natutuwa naman ang fans na unti-unti nang pinapakita nina Coco at Julia sa publiko ang relasyon nila. Kumbaga, wala nang taguan at ang kulang na lang ay hindi sila showy at hindi ma-PDA.