Joey, inamin ang nakaraan sa nanay ni Rhian!

Lay

Nakilala ng dabarkads ang ina ni Rhian Ramos na si Clara Ramos o Lay, nang maging guest choices siya kamakailan sa segment na Bawal Judgmental sa Eat Bulaga. Si Joey de Leon, maraming naaalala tungkol kay Lay noong kabataan nila.

Nang ilahad ni Clara na anak niya si Rhian, kaagad na napansin ng Dabarkads ang malaking pagkakahiwag ng mag-ina kapag ngumiti.

Ayon Joey, bokalista noon ng isang banda si Clara, at nag-guest sila sa Iskul Bukol. Ikinatuwa ni Clara na naalala pa nito ang naturang guesting nila sa nabanggit na programa, na kasama rin sina Tito at Vic Sotto.

“Kung ‘di n’yo maaalala ‘yung banda niya, nag-uumpisa yata sa X,” pag-alala ni Joey.

“Z,” pagtama ni Lay. “Uy! You remember. ZZYZX (band). Actually I was with several bands. May R&B, ZZYZX it was funk rock-new wave. ZZYZX was the most fun kasi one of our songs became part of the soundtrack of the movie Bagets,” pag-alala ni Lay.

Nang tanungin kung sino ang mas maganda sa kanila ng kanyang anak, “Ay siyempre mas maganda si Rhian!” ang tugon ni Lay.

“Noong bata… Naku crush ko ‘yan,” pag-amin ni Joey.

Para kay Lay, marami nang trend na nagbago pagdating sa pagbabanda, ngunit hindi nagbago ang showbiz.

“Showbiz has been the same since before. Pero ‘yung talagang uso lang, ‘yung trends… Siguro ngayon, it’s much, much more accessible now kung ano ang gagawin mo,” sabi pa ng ina ni Rhian.

Show comments