Ibinalita ng DZBB na nagpapagaling na si Mike Enriquez mula sa successful kidney transplant procedure at oras na magagaling na magaling na, babalik na siya sa trabaho niya sa Super Radyo DZBB at sa GMA 7.
Pagkatapos ni Atom Araullo, si Emil Sumangil ang pansamantalang humalili kay Mike sa 24 Oras bilang main newscaster. Si Joel Reyes Zobel at Melo del Prado naman sa radio show niyang Saksi sa Dobol B sa radio.
Ayan, sa mga nagtatanong kung babalik pa ba sa 24 Oras siya at sa radio show niya sa Super Radyo DZBB, nagpapagaling lang siya at kapag kaya na at may go signal na ng kanyang doctor, mapapanood at mapapakinggan na uli siya ng kanyang fans.
Nakakatuwa ang mga comment na ‘wag siyang magmadaling bumalik sa trabaho at siguraduhin niyang magaling na magaling na siya bago muling sumabak sa radio at telebisyon.
Panggagamit ni Sam, itinanggi ni Catriona!
Sa guesting ni Catriona Gray sa vlog ni Dra. Vicki Belo, ibinalita nitong next year na nila balak magpakasal ng fiance niyang si Sam Milby.
Sa tanong ni Dra. Vicki kung ano ang mga qualities ni Sam na kanyang nagustuhan, ang sabi ni Catriona, feeling safe siya siya ‘pag kasama niya si Sam.
“I feel like I was so guarded and apprehensive when I first met Sam but he is just a gentle and patient person. He really made me feel safe with him,” sagot ni Catriona.
Ayon pa kay Catriona, never niyang naramdamang ginagamit siya ni Sam for his own advantage na sinasabi ng ibang tao.
“I’ve never felt that he wanted to use who I was or if that I’m a public figure... I mean, he’s a public figure, too. But when you become, you know, Miss Universe like a year or two years later, people still regarded you as... there’s this kind of hesitancy or like, ‘Does this person like me for me or do they just want to be associated with me because of the title?’”
“But he always made me feel safe. He never made me feel like he’s trying to use that to his advantage or anything,” ayon pa kay Sam.
Pareho rin daw sila ng values ni Sam, super family oriented at ikinatuwa niyang nag-effort si Sam sa kanyang family and friends. Kaya happy siya na tanggap ng parents niya ang relasyon nila ni Sam.
Billy, may bagong show sa GMA
Wala pang official announcement ang GMA Network at GMA 7, pero lumutang ang balitang kasama si Billy Crawford sa magiging coach ng The Voice Generations. Kung totoo ito, bale, pangalawang show na ito ni Billy sa Kapuso Network dahil siya ang host ng The Wall Philippines na inilipat ng Viva sa GMA 7 mula sa TV5.
Kasama raw ni Billy bilang coaches sina Julie Anne San Jose, Pablo ng SB19 at si Chito Miranda. Ang sabi pa, ipakikilala ang apat na coaches sa finale ng The Clash Season 5 at malapit na ‘yun.
Una nang in-announce na si Dingdong Dantes ang host ngThe Voice Generations. Si Louie Ignacio naman daw ang director nito at sanay na ito dahil siya rin ang director ng The Clash.