Sylvia, may mga tagapagtanggol

Sylvia

Kawawa naman si Sylvia Sanchez dahil sa ginagawa ng ilan na panay ang sabi na nagbago na ito mula nang maging tagumpay ang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde.

Dahil kahit hindi namin madalas makita sina Sylvia at Art Atayde, mukha naman ganun pa rin sila, mabait at very kind. Lalo na si Sylvia na ever since very humble kaya hindi kami makapaniwala na nagbago ng ugali.

Pasalamat sila wala na si Angge na number 1 defender ni Sylvia Sanchez. Kundi lagot silang lahat sa talak nito, hah hah.

Pero maganda naman ang atake ni Sylvia na keber lang, hindi siya affected dahil alam niya na basta kilala siya ng tao hindi maniniwala na magbabago siya.

 At talagang fan ni Sylvia si Jun Lalin mula pa ng first entry nito sa showbiz. Basta mabait kang tao, mahal ka ng showbiz, kaya naman hindi nakapagtataka na ipinagtatanggol niya ito sa lahat. Sure ako malaki ang bonus ni Jun, joke joke.

Show comments