Negosyanteng BF ni Yassi, nilayasan ang Canada para sa aktres   

Yassi at Jon

For the first time ay nag-open up si Yassi Pressman tungkol sa kanyang negos­yanteng boyfriend na si Jon Semira. Sa guesting niya sa Magandang Buhay in celebration of her 28th birthday ay nagkuwento ng ilang detalye ang aktres tungkol sa love story nila ng dyowa.

Tsika niya, nagkakilala raw sila ni Jon few years ago thru common friends. Sa Canada ito naninirahan before but because of her at nagdesisyon ang BF na iwan ang buhay doon at dito na sa Pinas tumira.

“Taga-Canada po kasi siya. Canadian and he used to live here daw po in the Philippines.

“He then went back to Canada and then nag-meet po kami roon. Tapos now he’s moved back for me. Nagwo-work lang po siya in Singapore, tapos here, pabalik-balik,” sey ni Yassi.

Inilarawan niya ang kanilang relasyon as secured, no pressure at magaan.

“I think it’s pretty secure. Something I guess I was needing after a lot of the things that have happened in my life,” she said.

Dagdag niya, “and finally parang it feels like home na no pressure, no stress, very, very light.”

Matatandaang ini-reveal ni Yassi ang relasyon nila ni Jon noong July 2022 nang batiin niya ito ng “happy birthday” sa kanyang Instagram post.

Anyway, natanong din si Yassi tungkol sa kapatid niyang si Issa na as we all know ay naging kontrobersyal kamakailan dahil sa pag-amin sa relasyon nila ni James Reid.

Sey ng aktres, sana raw ay mas maging careful ang bawat tao sa ipino-post nila sa socmed at tigilan na ang pangnenega sa ibang tao.

“I think it’s always important that we always choose our words and we are always kind online because hindi mo alam ang epekto nun sa isang tao after few years.

“Kung sa ‘yo binabato mo lang sa ibang tao, hindi mo alam… Let’s just be a bit more careful,” she said.

Sa tanong kung paano nila mas pinatatatag ang relasyon nila ni Issa as sisters, “Marami ring honestly times na hindi kami nagkakasundo and I think that’s pretty normal. One of the things that I really, really appreciated nung birthday ko was parang na-acknowledge niya ang pagkukulang and communication.

“At ako rin in-acknowledge ko rin sometimes ‘yung if I’m too much or if I’m too little or if I’m not present. Ang importante with us ay napag-uusapan po namin kahit ‘yung mahirap pag-usapan.”

Lotlot, humihingi na ng apo kay Janine!

Gusto na palang magkaroon ng apo ni Lotlot de Leon. Sinabi ito ng aktres sa heart-to-heart talk nila ng panganay na anak na si Janine Gutierrez.

Bilang selebrasyon sa Mother’s Day ay naglabas si Janine ng vlog sa kanyang YouTube channel titled Questions I Never Asked My Mom at isa sa naitanong niya sa kanyang ina ay ang tungkol sa pagkakaroon ng apo.

“Are you sad that you don’t have grandchildren yet?” tanong ni Janine.

Sagot ni Lotlot, “sometimes.”

Nagulat si Janine at aniya, “Really?”

Sagot naman ng kanyang ina, “yeah, parang I want na.”

Tawa nang tawa si Janine.

Hirit naman ulit ni Balot, “sana, ‘di ba? Or at least, while maybe… sana by… coz I’m already 51.”

Sabi naman ni Janine, “that’s super young.”

Sagot ulit ni Balot, “by the time before maybe I turn 60, hopefully.”

Napa-agree naman si Janine. “Sana naman. Agree!”

Biglang tinanong ni Lotlot ang anak, “ano bang plano mo? May plano ka ba?”

Sagot naman ni Janine, “wala pa, wala pa” at umaktong nasasamid.

Of course, ang maiisip mo sa puntong ito ay ang rumored boyfriend ni Janine na si Paulo Avelino. Pero up to now nga ay hindi pa naman sila umaamin sa tsikang may relasyon sila.

May nagkomento naman na fan nina Janine at rumored boyfriend Paulo Avelino na panahon na raw para mag-settle down ang dalawa.

“It’s a perfect time this year PAUNINE na magsettle down na kayo anyway stable na nman kayo sa isat isa... Praying for it to happen para mabigyan na ninyo ng grandchild si Ms. Lotlot PAUNINE forever,” komento ng isang PauNine fan.

Show comments