Matindi ang interview ni Julius Babao kay Michael Pacquiao, anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na isang rap star. Inamin ni Michael sa interview na ‘yun na dahil nakaranas siya ng matinding depresyon, ginusto niyang mag-suicide.
Nang tanungin ni Julius kung bakit niya naisip na tapusin ang kanyang buhay, ang sagot ni Michael, unhappy siya at ang feeling, nag-iisa lang siya.
“Kasi I felt alone. My parents didn’t know na ‘yun ‘yung plano ko,” sagot ni Michael na ikinuwento pa kung paano niya binalak na tapusin ang kanyang buhay.
“There was that one time sa room ko, naiisip ko, it wasn’t a rope, there was like a wire that I, sinetup ko. Tapos after that, naisip ko, ‘wag na. I stopped coz naisip ko what would my parents think, what would they think about me doing this.”
Sa nasabi pa rin interview, nabanggit ni Michael na wala siyang gaanong friends sa school sa General Santos Hope Christian School sa General Santos City, kung saan siya nag-transfer from Brent International School.
Na-bully rin daw siya at sa tanong ni Julius kung anong klaseng pambu-bully ang ginawa sa kanya?
“Psychologically and mentally... it wasn’t physical,” sagot ni Michael.
Ang follow-up question ni Julius ay kung bakit siya binu-bully ng kapwa students ng school?
“Coz I was going to school in Hope, sa GenSan, so iba ‘yung environment dun.
“There were... I couldn’t fit in... Kasi Pacquiao so they thought na Inglesero. So people thought like, ano sosyal ako, maarte ganu’n.”
Isa pang tanong, nalaman na kaya nina Manny at Jinkee na binalak niyang mag-suicide at kung paano nila nalaman? Mahaba pa ang tatakbuhin ng topic na ito.
APL, handang tulungan si Kris
Nakakatuwa na hindi lang prayers ang very willing na ibinibigay ng netizens kay Kris Aquino sa pakikipaglaban niya sa kanyang mga sakit. Lahat ng suporta na kakailanganin ni Kris, handang ibigay sa kanya.
Gaya na lang si Apl de Ap na nag-comment sa post ni Kris ng “Power to you, @krisaquino hear if you ever need anything.” Pinasalamatan tuloy si Apl de Ap ng supporters ni Kris.
Maganda ring may mabasa na inamin na hater at basher siya ni Kris before hanggang ma-realize na si Kris ay mom with a strong heart and she deserves prayers. Mayroon namang nagdadasal for Kris for best results sa mga test na pagdadaanan niya.
Ang dami ring nagsabi na hindi sila titigil sa pagdarasal para gumaling ito at hihintayin nila ang pagbabalik sa bansa nito na magaling na. Kaya naman, panay-panay ang pasasalamat niya sa mga patuloy at walang kapaguran na nagdadasal sa kanyang paggaling.