Andre, may jowa reveal na swimmer!

Honey at Andre

Ang bongga naman ni Andre Paras.

Nag-jowa reveal na ito sa social media.

Ipinakilala niya ang girlfriend na si Honey Escarez, na isa palang swimmer sa University of Santo Tomas.

Ipinost ng aktor ang mga litrato nilang dalawa na may caption na: “I know I’m feeling so much more than ever before and so I’m giving more to you than I thought I could do”

Ang sweet ng mga litrato nila at halata ang pagka-in love nila sa isa’t isa.

Lutang din ang kasweetan nila sa comment section ng post ni Honey kung saan nagkomento ng “I love you so much” si Andre na sinagot naman ni Honey ng “I love you more.”

Hindi pala ito ang unang beses na ipinost nila ang litrato ng isa’t isa dahil nai-post na pala ni Honey ang litrato nila ni Andre sa social media ilang linggo na ang nakaraan.

Kailan lamang ay nagbakasyon silang dalawa sa Boracay. Halatang enjoy na enjoy sila.

Marami naman ang kinilig sa kanilang dalawa at masaya sila para sa mga ito.

Show comments