^

Pang Movies

Pokwang, inatake ang asawa sa Mother’s Day post

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pokwang, inatake ang asawa sa Mother’s Day post
Pokwang at Lee O’Brian

Inokray ni Pokwang ang ex partner niyang si Lee O’Brian na from 232k followers, 216k na lang ang followers dahil in-unfollow ng netizens na mas kampi sa kanya. May mga susunod pa raw na mag-a-unfollow kay Lee, kaya sorry na lang daw ito.

Sinagot din ni Pokwang ang Mother’s Day greetings sa kanya ni Lee dahil ngayon lang daw siya binati, kung kailan hiwalay na sila.

“Biglang may pa post ka ng happy mother’s day to the mother of my child? hahahahaa PLASTIC! mga nakaraan wala naman tse! porke may movie? mangga mangga hinog kana ba? USE IN A SENTENCE? TAMA KANA ACCLA!”

Natawa ang mga nakabasa sa post na ito ni Pokwang dahil binakla na raw nito si Lee na sana raw, maintindihan ang ibig sabihin ng ‘accla.’

On the other hand, naaawa sila sa producer ng movie na kasama si Lee kung totoong ibo-boycott ng avid followers ni Pokwang ang pelikula na in fairness, hindi binanggit ni Pokwang ang title.

Mukhang hahaba pa ang usaping ito nina Lee at Pokwang dahil hindi nila maiwasang banggitin ang isa’t isa (kahit madalas, hindi pinapangalanan ang bawat isa).

Abangan natin ang susunod na tirada ni Pokwang kay Lee at kung magre-react ba ang ama ng anak niyang si Malia.

Michelle, ipinakilala ang dalawang kapatid na may autism!

Disenyo at gawa ng fashion designer na si Mark Bumgraner ang black gown na isinuot sa evening gown competition ni Michelle Dee. Dahil sa gown, siya ang napili ng “Best in Evening Gown.”  Simple ang gown na ang highlight ay ang rhinestone-studded strap.

Kaya may supporters ang ibang candidates na hindi raw pang rampa sa coronation night ang gown ni Michelle dahil walang nagkikintabang burloloy at simple nga.

May paliwanag si Mark Bumgarner kung bakit simple ang black gown ni Michelle, ang vision daw niya ay si Michelle ang mag-shine at hindi ang gown.

“My vision” no sparkle (except for the strap), sexy minimalist, elegant, and effortless. I wanted Michelle to shine, and not the dresss,” at na-achieve ang vision ni Mark.

Nabanggit din ni Mark na dapat sa prelimina­ries isusuot ni Michelle ang gown na isa pang Mark Bumgarner gown na white at strapless pa rin.

“When [Michelle Dee] walked out during the evening gown competition, I knew it was going to be her night. She was glowing, classy, [and] elegant. An epitome of a Bumgarner woman. In a sea of beads and crystals, she came out in my simple black dress with cut out, a beautiful drape, high slit, and a silver strap as accent,” sabi ni Mark.

Ang tawag nga ni Mark sa ginawang gown for Michelle ay “red carpet-look and not a pageant look.

Anyway, kasama pala ni Melanie na nanood ng coronation night ng Miss Universe Philippines ang dalawang anak na lalake at kapatid ni Michelle na parehong na-diagnose ng autism. Kaya tungkol sa autism ang advocacy ni Michelle dahil sa brothers niyang sina Mazen at Adam.

Sa isang video uploaded ng Empire Philippines YouTube page, ipinakilala ni Michelle ang mga kapatid.

“These are my two brothers, individuals on the spectrum. This is Adam, my younger brother. And this is Mazen, my older brother as well. So, all of us grew up here.

“When you have brothers in the spectrum, they also need a lot of exercise kaya lagi silang tumatakbo dito. Dito sila nag-e-exercise just to wind down and relax.”

Ang tinukoy ni Michelle na lugar kung saan nag-i-exercise ang mga kapatid ay sa Salcedo Park sa Makati na may special place in her heart daw.

“This is why I advocate for autism awareness because my brothers needed it and everyone on the spectrum needs it too,” dagdag ni Michelle.

Andre paras nilantad ang mukha ng gf

Puro “Happy for you” ang nabasa naming comment sa post ni Andre Paras sa Instagram ng photo nila ng kanyang girlfriend. Kaya lang, face reveal pa lang ang nangyari dahil hindi pa rin binanggit ni Andre ang name ng kanyang girlfriend.

Non-showbiz si Miss Beautiful na nakasama nitong magbakasyon sa Boracay at ang caption ay line yata ng isang kanta na hindi namin mahulaan ang title.

Isa sa nag-comment ang mom ni Andre na si Jackie Forster, pero heart emojis at man with eyes with heart emojis lang ang post.

POKWANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with