Sarah, may dasal para sa mga magiging anak nila ni Matteo
Bukod sa pagbibigay ng tribute sa kanyang parents sa katatapos lamang na 20th anniversary concert niya sa Araneta Coliseum last Friday, hindi rin nakalimot si Sarah Geronimo na batiin ang inang si Mommy Divine sa pagdiriwang ng Mother’s Day kahapon, Sunday.
Sa kanyang Instagram account idinaan ni Sarah ang kanyang pagbati sa ina. Nag-post siya ng dalawang larawan kasama ang kanyang parents at sa caption ay buong paggalang niya itong binigyan ng pagpupugay.
‘Superheroes ng buhay ko. I love you nanay at tatay ko.
“Happy Mother’s day po mama. Walang hanggan po na pasasalamat para sa walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal,” ang caption ni Sarah.
Speaking of Sarah G’s 20th anniversary concert, kung pinaiyak niya ang marami sa kanyang tribute song for her parents, kinilig naman ang mga tao sa mga lambingan nila ng asawang si Matteo Guidicelli on stage na ang term pa ni Regine Velasquez ay ‘landian.’
Nag-viral ang videos ng sweet moments ng mag-asawa on stage at talaga namang tilian ang audience sa sobrang kilig.
Isa sa “kilig moments” ay nang i-introduce ni Matteo ang misis ng “ladies & gentlemen, my beautiful wife. The most beautiful person in this whole entire world – Mrs. Sarah Geronimo-Guidicelli.”
Sabi naman ni Sarah, “alam mo mahal, wala kang choice. Dinesisyunan mo ‘yan. Forever na ‘to.”
Sagot naman ni Matteo, “forever talaga.”
But seriously, ani Sarah, “alam n’yo po kung ano ‘yung natutunan namin sa marriage, ang forever, ‘di ‘yan guarantee, no?”
She added, “what will make you last for a long, long time is your faith in God, ‘di ba love? Continous ‘yun, ‘yung pagtitiwala, and you continue to grow, kayo pong mag-asawa, ‘yung faith ninyo sa Panginoon, hindi nawawala, ‘di ba love?”
Ipinagmalaki rin ni Popstar Royalty ang suporta at tiwala sa kanya ng mister na siyang isa sa nag-push na gawin ang concert. Dapat daw ay noong December pa last year ang concert pero kinakabahan daw siya kaya na-delay nang na-delay.
“May mga tao po talaga na patuloy po na nag-push sa akin to do the show at isa po diyan ang asawa ko. Thank you, love,” sey ni Sarah.
Sigawan ang mga tao at lalong lumakas pa nang sabihin ni Matteo na “you’re the best thing that ever happened to me” at pagkatapos ay nag-duet na sila.
Isa pang umani ng malakas na reaksyon from the crowd ay ang sinabi ni Sarah na ipinagdarasal niyang magaganda ang maging anak nila ni Matteo.
“Sana po talaga, Lord!” sambit pa niya.
Pero sey niya, ang mas importante raw ay healthy, mababait at maganda ang puso ng mga magiging anak nila.
- Latest