Sarah at G-Force, nagkaayos!
Nagkaayos na raw sina Sarah Geronimo at Teacher Georcelle ng G-Force.
Aksidenteng nabanggit ito ni Matteo Guidicelli nang humarap siya sa press sa formal announcement sa paglipat niya sa GMA.
Bukod sa pagsali sa morning show ng Kapuso na Unang Hirit, gagawin din niya ang action serye na Black Rider kasama si Ruru Madrid.
Ano naman ang say ni wifey Sarah sa pagpirma sa GMA?
“Masaya siya at answered ang prayers namin,” sabi ni Matteo.
Joshua, bugbog na bugbog!
Tagumpay si direk Chito Rono na pahirapan nang husto si Joshua Garcia sa Regal movie na Mga Kaibigan ni Mama Susan.
Bugbog na bugbog si Joshua lalo na sa mga eksenang bumalik siya sa kanyang probinsiya.
“Maraming nagsasabi na mga kaibigan ko na terror nga raw si direk Chito. Pero nung katrabaho, hindi naman,” pahayag ni Joshua sa presscon ng movie.
May pa-yummy effect din ang actor sa movie. “Hindi naman ako nagkaroon ng hesitation. Ginawa ko kasi kailangan. Kahit wala akong katawan, wala akong ipapakita, ilan taon ako noon? Bagets-bagets pa ako noon. Masarap kumain! Ha! ha! Ha!” sabi pa ni Joshua.
Nakakagulat at nakakakilabot ang movie. Pero ayon kay Chito, ang author na si Bob Ong ang nagbigay ng ending dahil bitin ang ending sa book.
Dumaan sa butas ng karayom ang movie bago natapos dahil ginawa ito noong kasagsagan ng pandemic.
Streaming na sa May 18 sa Amazon Prime ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.
- Latest